Willie matindi ang pakiusap sa mga Pinoy; Jak 'milyonaryo' na sa YouTube | Bandera

Willie matindi ang pakiusap sa mga Pinoy; Jak ‘milyonaryo’ na sa YouTube

Ervin Santiago - June 06, 2020 - 01:14 PM

SUNUD-SUNOD man ang dumarating na pagsubok sa bansa at sa tila walang katapusang paghihirap ng mga Pinoy, walang patid din ang pagtulong ni Willie Revillame sa pamamagitan ng Wowowin.

Dahil sa Kapuso variety game show ay nakakapagbahagi siya ng tulong pinansyal at musical performances na nakakapaghatid ng ligaya sa Kapuso viewers. 

Pinayuhan din ni Willie ang mga manonood na patuloy pa ring mag-ingat kahit nasa general community quarantine na tayo. Aniya, huwag pa ring lumabas kung hindi naman kinakailangan.

“Mahirap ho kasi ang problemang ito eh. Magugutom, magkakasakit, ‘di ba. 

“So dapat ho aayusin talaga ‘to. Tulong-tulong. Makinig na muna ho tayo at magpasensya talaga tayo, walang magagawa. 

“Hindi lang ho Pilipinas ang nagsa-suffer ngayon, buong mundo,” payo ng TV host-comedian sa publiko.

Mapapanood pa rin araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes ang Wowowin sa TV at sa official verified social media accounts ng programa.

                           * * *

Bongga talaga ang YouTube channel ng Kapuso heartthrob na si Jak Roberto. 

Matapos makagawa ng 33 vlog entries, mayroon ng mahigit one million followers sa YouTube si Jak at natanggap na rin niya ang pinakaaasam na Gold Play Button mula sa YouTube.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.


Samantala, isa si Jak sa mga nakibahagi sa “Walang Tulugan: The Reunion” kagabi kasama ang iba pang artistang naging bahagi ng buhay ng Master Showman na si German Moreno. 

Hosted by John Nite and Jackielou Blanco, napanood ang “Walang Tulugan: The Reunion” sa Facebook page ng GMA Network at YouTube channel ng GMA Artist Center.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending