Kim Chiu nagpaliwanag sa MMDA tungkol sa viral video; walang trapik violation pero... | Bandera

Kim Chiu nagpaliwanag sa MMDA tungkol sa viral video; walang trapik violation pero…

Djan Magbanua |June 05,2020
facebook
share this

Kim Chiu nagpaliwanag sa MMDA tungkol sa viral video; walang trapik violation pero…

Djan Magbanua - June 05, 2020 - 01:22 PM

NAGPALIWANAG na si Kim Chiu sa Metro Manila Development Authority sa kumalat niyang viral video kung saan siya raw ay nagsasayaw sa gitna ng Edsa.

Ayon sa inilabas na statement ng  Star Magic, si Kim mismo ang nag-initiate ng meeting matapos humingi ng paliwanag ang MMDA tungkol dito.

Ayon sa aktres, hindi kuha sa Edsa ang nasabing video kundi sa isang parking lot. Sinabi rin ni Kim na hindi umaandar ang kotse habang kinukunan siya ng video.

Tinanggap naman ng MMDA ang paliwanag ni Kim at sinabing wala siyang traffic violation pero pinaalalahan pa rin siya na sumunod sa batas trapiko.

https://www.instagram.com/p/CBAeFA_AvOl/

Bago ito, nauna nang itinanggi ni Kim ang akusasyon sa viral video at sinabing fake news ito.

Isang viral video ang inilabas ng isang Chadric Ebojo kung saan si Kim ay sumasayaw sa hit song niyang Bawal Lumabas sa tabi ng kaniyang kotse. Ayon sa nagpost, ito raw ay kuha sa Edsa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending