Lockdown matindi ang epekto sa utak ni Gil; COVID dokyu ni Atom babandera sa GMA News TV | Bandera

Lockdown matindi ang epekto sa utak ni Gil; COVID dokyu ni Atom babandera sa GMA News TV

Ervin Santiago - June 05, 2020 - 06:17 AM

APEKTADO na rin ang mental health ng Kapuso hunk na si Gil Cuerva ng halos tatlong buwang pagkakulong sa bahay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa interview ng GMA, ikinuwento ng aktor ang naging epekto ng health crisis na ito sa kanyang buong pagkatao.

“This pandemic in general, the COVID-19 virus that’s been spreading has also caused me to feel a bit worse. 

“When I say worse, it isn’t helping my mental health, or it isn’t helping me or it isn’t helping anyone at all,” simulang pahayag ng binata.

“I guess like other people I do worry about what’s happening and what’s going on. So definitely during this ECQ, I don’t think my mental health has gotten any better,” aniya pa.

Paalala ng “Taste Buddies” host, seryosong issue ang mental health kaya hindi dapat ito binabalewala. 

“These are very serious and concerning issues. I think sometimes we tend to overlook it simply because it’s not a physical injury or something we actually feel physically. 

“It’s all in the head. It’s mental; that’s why it’s mental health,” lahad ni Gil.

                             * * *

Matapos pusuan ng viewers at netizens nitong Linggo, muling mapapanood ang The Atom Araullo Specials “COVID-19: Nang Tumigil ang Mundo” ngayong Biyernes, sa GMA News TV,  8:30 p.m.

Pinag-usapan ang nasabing episode ng The Atom Araullo Specials kung saan pinuri ng publiko ang komprehensibong paglalahad ng programa sa iba’t ibang mukha ng COVID-19. Naging top trending topic pa sa Philippine Twitter ang #NangTumigilAngMundo”.

Sabi ng netizen na si @maarinelnlee, “Masakit sa puso Makita ang mga kalbaryong kinakaharap ng frontliners. 

“Salamat sa pagpapakita ng kwento nila, @atomaraullo. Sana mas maraming Pilipino pa ang mamulat nito, pati na rin ang gobyerno. Pinakamataas na pagpupugay sa ating mga frontliners! #NangTumigilAngMundo.”

Samantala, nag-tweet din si @imeeortilano, “I can’t stop watching @atomaraullo’s #NangTumigilAngMundo. Ang sakit ng puso ko. Mayaman man o mahirap, bata man o matanda—lahat apektado. Documentaries like these reminds us to be more compassionate and kind to one another.”

Napapanahon daw ang COVID-19 special sabi ni @sheenita, “@atomaraullo documentary is so relevant today. It makes us realize na ang buhay, hindi natin hawak. This pandemic change[d] our daily lives a lot. Sa isang iglap, pwedeng mawala ang lahat. Keep watching documentaries like this guys! This is an eye-opener.”

Binigyang-puri rin ng mga netizen ang team ng The Atom Araullo Specials. Sabi ni @jdqrbn, “#NangTumigilAngMundo emphasized different perspectives of sectors dealing with this pandemic; stories of frontliners, patients and their relatives, and the marginalized. Goosebumps. Definitely an eye and heart opener! Kudos @atomaraullo and the team.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang buwan ring binuo ng programa ang dokyu mula nang ipinatupad ang community quarantine. Ipinakita ni Atom dito kung papaano naaapektuhan nang husto ng COVID-19 ang buhay ng mga Pinoy lalo na ang mga mahihirap at frontliners.

Panoorin ang The Atom Araullo Specials “COVID-19: Nang Tumigil ang Mundo” ngayong gabi sa GMA News TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending