Franchise renewal ng ABS-CBN naetsapwera dahil sa Anti-Terror Bill  | Bandera

Franchise renewal ng ABS-CBN naetsapwera dahil sa Anti-Terror Bill 

Jun Nardo - June 04, 2020 - 12:09 PM

 

NAETSAPWERA ang usapin sa ABS-CBN franchise renewal dahil higit na nabigyan ng pansin ang approval ng Kongreso at Senado sa Anti-Terrorism Bill sa nakaraang hearing.

      As of this writing, ang pagpirma na lang ni President Rodrigo Duterte ang hinihintay upang tuluyan na itong maging batas.

      Eh, ‘yung tungkol sa prangkisa ng Channel 2, tatalakaying muli sa susunod na hearing ng Congress bago ito mag-adjourn.

      Ibig sabihin nito, wala pang katiyakan kung maaaprubahan ang panukalang batas upang mabigyan ng temporary franchise ang TV network na nagsara matapos ilabas ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission.

      Sa pag-apruba ng Senado at Kongreso sa Anti-Terrorism Bill, maraming celebrities ang kumontra kabilang na ang dalawa nating Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, huh!

                        * * *

                                   

Limampu’t dalawa na ang total na TV stations ng GMA Network sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 Kaya naman mahigit sa 80 milyong Filipino na ang nagagawang abutin ng Kapuso Network at maituturing na largest network sa bansa.

      Sa panahong tulad ngayon na marami ang nangangailangan ng mapagkakatiwalaang news source, napakalaking bagay na may maaaasahan tayo tulad ng GMA Network.

      Sa ika-70th anniversary ng network, patuloy ito sa pagiging Buong Puso Para sa Pilipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                   

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending