'Willie Revillame parang pusa na maraming buhay!'  | Bandera

‘Willie Revillame parang pusa na maraming buhay!’ 

Cristy Fermin |June 03,2020
facebook
share this

‘Willie Revillame parang pusa na maraming buhay!’ 

Cristy Fermin - June 03, 2020 - 11:06 AM

NAPAKASUWERTE ni Willie Revillame. Para siyang pusa na maraming buhay.

 Mawawalan siya ng trabaho, may sumasalo sa kanya, hindi siya nawawala sa sirkulasyon.

    At lahat ng programang gawin niya ay tinatangkilik ng publiko, palaging mataas ang rating ng kanyang mga shows, nabuhay si Willie sa kabila ng pagkawala niya sa ABS-CBN.

    Matindi pa nga ang nangyari sa kanya dahil nagkasuhan pa sila ng istasyon, mahabang panahon silang nagdiskurso sa husgado, hanggang sa makarating ‘yun sa Supreme Court.

    Naipanalo niya ang mga kasong ihinain ng ABS-CBN laban sa kanya, ayon sa korte ay may karapatang mabuhay si Willie at magtrabaho, kaya nakapagserbisyo siya sa TV5 at ngayon nga ay matagumpay ang kanyang Wowowin sa GMA 7.

    At para namang tukso na habang nakasarado ang istasyong pinanggalingan niya ay ang Tutok To Win naman ni Willie ang namamayagpag ngayon. 

Habang ipinagbabawal pa ang studio audience ay sa 42nd floor muna ng Wil Tower ginaganap ang kanyang programa.

    Napakarami niyang natutulungang mga kababayan natin sa pamamagitan lang ng pagtutok sa kanyang programa. 

Namamahagi siya nang sampung libong piso sa kanyang tinatawagan, may limampung libo pa nga na bigay ng kanyang sponsor, kadalasan ay hindi lang basta sumisigaw sa kasiyahan ang kanyang mga kausap kundi nag-iiyakan pa nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending