Anti-terror bill umusad na sa Kamara | Bandera

Anti-terror bill umusad na sa Kamara

Leifbilly Begas - June 03, 2020 - 07:09 AM

Anti-terror bill

SA kabila ng mga pagtutol, inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa kagabi ang anti-terrorism bill na magpapalakas umano sa Human Security Act of 2007.

Iginiit ni Masbate Rep. Narciso Bravo, isa sa sponsor ng House bill 6875, na layunin ng panukala na magawa ng mabuti ng mga alagad ng batas ang kanilang trabaho at mapigilan ang teorirsmo sa bansa.

“We would like to believe that law enforcers will perform their duties in a regular manner. We believe that there are still good people (in the police and the military) because otherwise, there’s no point legislating,” ani Bravo.

Nagpahayag ng pangamba si Quezon City Rep. Kit Belmonte sa panukala dahil maaari umano itong gamitin hindi lamang sa terorismo kundi maging sa mga kalaban ng gobyerno.

Sinabi ni Belmonte na ang katotohanan ay mayroong mga alagad ng batas na inaabuso ang paggamit sa kanilang kapangyarihan.

Umapela naman si Bravo, chairman ng House committee on public order and safety, na pagkatiwalaan ang magandang intensyon ng batas.

“We, the sponsor, believe that this is the only way we can (better) arm our law enforcers,” dagdag pa ni Bravo.

Babala naman ni Belmonte bagamat maganda ang intensyon ng batas maaari itong gamitin sa pang-aabuso.

Nagpahayag naman ng pagtutol si House Deputy Speaker Mujiv Hataman sa pagtanggal sa probisyon na nagbibigay ng P500,000 sa mga magiging biktima ng mistaken identity o maling pag-aresto.

“Were removing the protection against mistaken identity,” ani Hataman.

Inihalimbawa ni Hataman ang isang miyembro ng AFP auxiliary force na inaresto at ikinulong pero sa huli ay pinawalang-sala ng korte.

Sinabi ni Hataman na maaaring lalong dumami ang kuwestyunableng operasyon ng otoridad lalo at ngayon pa lamang ay marami ng raid na isinasagawa sa mga Muslim communities upang maghanap ng maituturong suspek.

Tumagal ng apat na oras ang interpellation at walang binago sa panukala.

Ang kasalukuyang pagkulong sa isang pinaghihinalaang terorista ng walang warrant of arrest ng hanggang tatlong araw ay pinalawig ng hanggang 24 na araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinapayagan din ng panukala ang wiretapping sa mga pinaghihinalaang terorista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending