outbrain

Pang-asar ni Vice kay Karla: Magkakasunog pa dahil sa kaharutan mo, ang landi-landi mo!

By Ervin Santiago June 02,2020
share this

Pang-asar ni Vice kay Karla: Magkakasunog pa dahil sa kaharutan mo, ang landi-landi mo!

By Ervin Santiago June 02,2020
share this

Vice-Karla

PROUD na proud na ibinandera ni Karla Estrada sa madlang pipol na nakaisang taon na sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Jam Ignacio.

Ipinost ng TV host-actress sa Instagram ang mga litrato nila ng kanyang dyowa na kuha sa naganap na dinner date nila with matching wine and candles pa.

“My heart tell me that true love really exists! This is a year worth celebrating! Happy 1st anniversary, love,” caption ni Karla sa kanyang IG post.

“Looking forward to 800 more years with you. I love you,” dagdag pa niyang mensahe para kay Jam.

Sa isa namang post ni Karla ay makikita ang card na ibinigay ni Jam sa kanya kung saan nakasulat ang, “Love, I believe everything happens for a reason because it led me to you. I Love You. — Jam.”

Bumuhos naman ng pagbati mula sa netizens ang anniversary ng nanay ni Daniel Padilla at ng dyowa nito. Ilang kaibigang celebrities din ang nagkomento sa IG post ni Karla kabilang na si Vice Ganda.

Pang-aasar ni Vice kay Karla, “Magkakasunog pa dahil sa mga kaharutan mong yan e!!!!!

“Patayin mo na ung mga kandilaaaaaaaaaa!!!! Ang landi landi mo!!!”

Samantala, nag-post din si Jam sa kanyang Instagram account ng picture nila ni Karla na kuha rib sa kanilang anniversary celebration.

 Caption ni Jam, “When love is true, there is no ending. Happy 1st Anniversary Love !!! I Love You !!!”

Sagot naman ni Karla, “Love you too love ko.”

Kamakailan ay napabalitang may plano na raw sina Karla at Jam na magpakasal matapos mag-post  ang aktres sa IG ng couple rings at video ng isang resort na sinasabing magiging venue raw ng wedding.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending