Claudine walang ginawa kundi mag-iiyak; Gretchen tiyak magmamaasim na naman | Bandera

Claudine walang ginawa kundi mag-iiyak; Gretchen tiyak magmamaasim na naman

Cristy Fermin - August 16, 2013 - 07:00 AM

Claudine Barretto, Raymart Santiago at Gretchen Barretto

Sa ikatlong pagkakatoan ng pagdinig sa mga kasong isinampa nina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa isa’t isa ay kasamang dumating ng aktres si Mommy Inday Barretto.

Dalawang kapatid naman ang kasamang dumating ni Raymart, sina Junjun at Rea, ayon sa aming impormante ay umiyak nang umiyak si Claudine sa kabuuan ng pagdinig sa mga kasong isinampa niya laban kay Raymart.
Maraming nag-isip na sinadya ni Claudine na isama ang kanyang ina sa hearing, madalas kasing lumabas ang mga komento na si Raymart ay suportado ng pamilya nito, pero si Claudine ay walang kakampi sa kanyang pamilya.

Sinabi naman ni Mommy Inday na ang kanyang pagdating sa pagdinig ng kaso ay bigay na bigay nang dahilan na pagpapakita ng suporta sa kanyang anak, “It’s already a statement,” sabi pa ng ina ng aktres.

Ang pagsama ni Mommy Inday kay Claudine ay siguradong pagmamaasiman na naman ng kanyang kapatid na si Gretchen, maging ng kanyang kapatid na si Jay-Jay, siguradong sasabihin ng magkapatid na meron talagang tinititigan at tinitingnan lang si Mommy Inday.

Kapag si Claudine ang nalalagay sa gitna ng kontrobersiya ay agad nang nakasaklolo si Mommy Inday, pero kapag ang ibang anak ang nangangailangan ng suporta ay tahimik lang ang kanilang ina, ganu’n ang magiging dating nito sa magkapatid na Barretto.

Tingnan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng pinagtatalunang kaso sa husgado ng mag-asawa, harinawang magkaayos na sila hindi dahil sila ang may kailangan nu’n, kundi ang kanilang mga anak.
Nakakaawa naman ang mga bata, walang kamuwang-muwang sina Sabina at Santino para madamay sa problema ng kanilang mga magulang.

Ang mga anak pa naman ay walang karapatang makapamili ng kung sino ang kanilang magiging magulang, ipinanganak sila nang walang pamimilian kundi ang tanggapin ang nagsilang sa kanila, ganu’n lang.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending