Rhian feeling lucky na inabutan ng ECQ sa Pinas: Struggle pag sa ibang bansa
MASWERTE ang Kapuso actress na si Rhian Ramos na nasa Pilipinas siya nang ipatupad ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Siguradong todo ang mararanasan niyang hirap at sakripisyo kung inabutan siya ng community quarantine sa ibang bansa.
Ayon sa dalaga, na-experience na niya ang magkaroon ng anxiety attacks noong mag-stay siya nang kalahating taon sa New York kung saan siya kumuha ng comedy courses.
Aniya, inatake siya ng lungkot at stress noong nasa Amerika siya idagdag pa ang hirap sa pag-contact sa kanyang pamilya na nandito sa Pilipinas.
“Alam mo ‘yung feeling lang na hindi mo alam ‘yung situation doon. I worried about my family, tapos umiyak ako.
“Wala pa akong balita, wala pang nagre-reply sa text ko, ‘yun ‘yung stress. Pero ngayon nasa iisang time zone lang tayo so madali lang kamustahin yung pamilya ko,” pahayag ni Rhian sa panayam ng GMA.
“Pero New York? Mag-i-struggle ako ngayon. Kasi mahirap ‘yung mga first time mag-adulting.
“Mahirap siya right now kung hindi ka naman marunong to do all of your chores or to feed yourself. Tapos ito pa ‘yung nangyayari sa mundo,” lahad pa ng Kapuso star.
“It would be very hard (para sa mga nasa abroad). It’s much more doable for me. The only thing na I have to worry about is my feelings,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.