Hugutan showdown: Barbie, Kate nagsagutan sa vlog tungkol sa ahas na BFF | Bandera

Hugutan showdown: Barbie, Kate nagsagutan sa vlog tungkol sa ahas na BFF

Ervin Santiago - June 02, 2020 - 10:33 AM

Barbie-Kate

MASAYANG ibinalita nina Barbie Forteza at Kate Valdez na pwede na uling maka-bonding ng manonood ang cast ng Kapuso series na “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.” 

Masaya at relatable vlogs ang hatid ng cast ng programa na sina Barbie at Kate kasama sina Migo Adecer at Benedict Cua na perfect para sa mga naka-quarantine at stuck at home pa rin until now.

Bago suspindihin ang taping ng mga programa bunsod ng COVID-19 pandemic, tinutukan ng netizens ang naganap na alitan sa pagitan ng magkaibigang sina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate).

 Ito ay matapos malaman ng huli na ang kaibigan pala niya ang napupusuan ni Cocoy (Migo). Pinangunahan ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie ang series of vlogs sa kanyang apology video na pinamagatang “My First Solo Vlog! Sorry Vlog for my Sishie” na napanood sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA Network at GMA Drama. 

Hindi naman bago para sa Kapuso actress ang pagba-vlog lalo pa at mayroon itong sariling YouTube channel na may lagpas 700k subscribers. 

Sa susunod na Lunes (June 8) ay mapapanood naman si Kate sa kanyang reaction vlog na “My Reaction to my (snake) Friend Apology! Plus Tips on How to Spot that (snake) Friend.” 

 Sa ikatlong episode (June 15) ay mapapanood naman ang real-life YouTuber na si Benedict sa vlog na “BFF Love 101” kung saan mapapaamin si Benny ng tunay na nararamdaman para sa kaibigan si Caitlyn.

At sa pinakahuling vlog sa June 22, susubukan ni Migo bilang Cocoy na tuldukan ang relasyon nila ni Caitlyn at resolbahin ang hidwaan sa pagitan ng magkaibigan sa vlog na “How To Break a Woman’s Heart”. 

Gawing mas masaya ang pagpasok ng bagong buwan at tutukan ang nakakaaliw na vlogs na handog ng “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” ngayong buong buwan ng Hunyo tuwing Lunes, 8 p.m., sa YouTube at Facebook pages ng GMA Network at GMA Drama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending