ABS-CBN isa-isang sinagot ang mga paratang | Bandera

ABS-CBN isa-isang sinagot ang mga paratang

Leifbilly Begas - June 01, 2020 - 05:16 PM

ISA-isang sinagot ng ABS-CBN ang mga paratang na pumipigil sa renewal ng prangkisa nito.

Sa joint hearing ng House committees on legislative franchise at on good government, sinabi ni Carlo Katigbak, president and CEO ng ABS-CBN, na hindi ipinagbabawal ng Konstitusyon na ma-renew ang prangkisa ng isang kompanya na nago-operate na ng mahigit 50 taon.

“Ang nakasulat po sa Saligang Batas Article 12, Section 11 ay: “No franchise… shall be granted except to citizens of the Philippines…nor shall such franchise…be … for a longer period than fifty years.”  Malinaw po ang kahulugan nito na bawat prangkisang ibinibigay ng Kongreso ay hindi pwedeng lumampas ng 50 years.  Pero wala naman pong sinasabi na ang buhay ng isang kumpanya ay may limitasyon na 50 years.  Pwede naman pong bigyan ng panibagong prangkisa.”

Hindi lamang umano ang ABS-CBN ang mago-operate ng lagpas ng 50 taon.

Sinabi ni Katigbak na hindi rin totoo ang paratang na Amerikano ang dating chairman ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III.

Patunay din umano rito ang sinabi ng Department of Justice noong 2001. “…granting the request for recognition as a Filipino citizen of Eugenio Lopez III, it appearing from the within records and the additional document submitted that he was born in Boston, USA, the legitimate child of Conchita LaO and Eugenio Lopez Jr., both natural-born Filipino citizens, and may, therefore, be deemed a citizen of the Philippines pursuant to Section 1, Article 4 of the 1935 Constitution.”

“Totoo po na may US passport si Mr. Lopez.  Ito ay dahil ipinanganak siya sa Amerika at sa batas ng Amerika, kahit hindi Amerikano ang magulang mo, kapag ipinanganak ka sa US, automatic po na may hawak ka rin na American citizenship.  Pero ang pagiging American citizen niya, at ang paghawak niya ng US passport, ay hindi nangangahulugan na hindi rin siya isang Pilipino.”

Ayon pa kay Katigbak ang pagbebenta ng Philippine Depository Receipts (PDR) ay hindi nangangahuluigan na pinapalitan ang may-ari ng kompanya.

“Unang una po, sa simpleng lenggwahe lang, ang PDR ay hindi isang share or pag mamay-ari sa ABS-CBN.  Malinaw po ito kasi ang humahawak ng PDR ay hindi nakakaboto sa kahit anumang bagay sa pamamalakad ng ABS-CBN.  Paano ka magiging isang may-ari kung hindi ka pwedeng bumoto sa anumang bagay na may kinalaman sa pagpapatakbo ng kumpanya?”

Aprubado rin umano ang pagbebenta ng PDR ng Securities and Exchange Commission at maraming broadcast companies din ang gumawa nito pero hindi naging isyu ng mag-renew ng prangkisa.

Hindi rin umano totoo na iligal ang pagbabalik ng gobyerno ng ABS-CBN sa mga Lopez matapos ang EDSA People Power 1.

“Ito siguro ang pinakamasakit na paratang dahil nga ang ABS-CBN ay sinara ng gobyerno noong 1972 pagkatapos madeklara ang Martial Law.   Hindi po binenta ng Lopez family ang ABS-CBN. Basta ginamit nalang ng iba ang mga facilities ng ABS-CBN na walang binayaran. Kaya hindi po totoo ang paratang na bigla nalang napasakamay muli sa mga Lopez ang ABS-CBN dahil sila naman ang tunay na may-ari nito.”

Ang Presidential Commission on Good Government din umano ang  umaksyon para maibalik ang Channel 2 sa pamilya Lopez. At ang kasunduan ay pinagtibay ng Korte Suprema noong 1989.

“Base sa agreement na iyon, ibinalik ng PTV 4 ang iba pang facilities ng ABS-CBN sa 1992.  Ito ay anim na taon pagkatapos nangyari ang EDSA revolution,” ani Katigbak. “Ang mga ahensya ng goberyno na humawak sa kasong ito ay ang PCGG, ang Office of the President, at ang Korte Suprema. Kaya hindi po totoo na hindi nakabatay sa batas ang pagbalik ng ABS-CBN sa pamilyang Lopez.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsumite ang ABS-CBN ng mga dokumento para patunayan ang mga pahayag ni Katigbak.

“May nagsabi po kanina that ABS-CBN deceived many when we said we are “in the service of the Filipino”, I believe there are many voices who will speak out and assert that our service to them has been genuine and real. Sana ang taong-bayan na lang po ang magsasabi kung ang serbisyo namin ay naging tunay at makahulugan sa kanila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending