Vice super proud sa kapatid na frontliner: Yung pagsusuot lang ng PPE sakrispisyo na ‘yun!  | Bandera

Vice super proud sa kapatid na frontliner: Yung pagsusuot lang ng PPE sakrispisyo na ‘yun! 

Ervin Santiago - June 01, 2020 - 07:28 AM

KUNG medyo nag-aalinlangan noon si Vice Ganda na ibandera on national TV at social media ang anumang tungkol kanyang pamilya, ibang-iba na ngayon.

Ayon sa TV host-comedian, ngayong may health crisis sa bansa, proud na proud siyang sabihin sa madlang pipol na isang frontliner ang isa niyang kapatid.

Isang doktor ang kanyang sister at saludo siya sa mga sakripisyong ginagawa nito para makipaglaban sa COVID-19 pandemic. 

“Yes I’m so proud of her. Alam mo kapag may pagkakataon nga, kasi hindi ko palaging pino-post ang mga kapatid ko sa social media kasi ayoko silang i-expose nang malala. 

“Gusto ko ‘yung alam nilang may kapatid ako pero hindi nila masyadong kabisado ‘yung mukha, hindi nila masyadong kabisado ‘yung pangalan. 

“Para hindi masyadong nagda-drag kung saka-sakaling may mga nangyayari sa akin,” pahayag ni Vice sa kanyang online show. 

Pagpapatuloy pa niya, “Pero this time, ipinangangalandakan ko siya. Proud na proud ako sa kapatid ko talaga. Meron akong kapatid na doktor na nagsasakripisyo ngayon na hero ka, ‘di ba? 

“‘Yung dati ako lang ang gustong alagaan pero ngayon ang daming tao na hindi mo kilala na kung akala nila propesyon lang ito, ay hindi ito propesyon. Ito ay devotion para sa tao. Para sa mundo,” pagmamalaki pa ng komedyante.

Tuwang-tuwa rin si Vice kapag nakikita niya ang mga litrato ng kapatid na nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPEs) at todo smile pa rin sa kabila ng hirap at pagod na dinaranas sa kanilang trabaho.

“Tapos natutuwa ako pino-post niya ‘yung pictures niya na naka-smile. Kasi alam mo ‘yung mga frontliners, ‘yung pagsusuot lang ng PPEs, sakrispisyo ‘yun. 

“Napakainit. Napakahirap isuot. Tapos ‘yung suot mo ‘yun nasa tent lang siya kasi sobrang toxic na ng hospital, meron silang station sa labas ng hospital na tent lang, na hindi naman airconditioned. So ang init. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero may picture siya na nakangiti, di ba? Paano mo nakakayanan ‘yun? Gaano kalaki ang puso mo para ngumiti na suot ‘yang PPE, nag-seserbisyo ka. 

“Ang buhay mo ay naka-expose sa danger sa sakit na ito pero nakukuha mong ngumiti. Kaya ang galing. Proud na proud ako,” pahayag pa ni Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending