Janine malaki ang utang na loob sa pet dog; Ina 'yes to body positivity' | Bandera

Janine malaki ang utang na loob sa pet dog; Ina ‘yes to body positivity’

Ervin Santiago - May 30, 2020 - 08:57 AM

KUNG may isang malaking blessing na ipinagpapasalamat ngayon si Janine Gutierrez, yan ay ang pagkakaroon ng sariling tahanan ngayong may COVID-19 pandemic 

Matatandaang lumipat ang Kapuso actress sa kanyang sariling condo unit noong 2016.

“Na-appreciate ko ‘yung bahay ko ngayon. Whatever I can find here na can be of use to someone else, I’m grateful that I have that,” sey ng dalaga. 

Bukod dito, thankful din siya sa kanyang alagang aso na si Buggy dahil ito raw kasi ang kasama niya sa condo simula nang ipatupad ang quarantine sa bansa. 

“I never got to spend so much time with him until now because I’m always at work and naiiwan siya dito sa bahay. I’m glad that he’s here with me,” aniya.

Mag-isa man sa kanyang tahanan, sinisikap pa rin ni Janine na mag-vlog para maghatid ng saya sa kanyang subscribers sa YouTube. 

Dito rin niya unti-unting natututunan ang new normal na haharapin ng bansa sa mga susunod na buwan dulot pa rin ng killer virus.

                          * * * 

Nais ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” star na si Ina Feleo na mas lalong mahalin ng tao ang kani-kanilang katawan, anuman ang hugis nito. 

Mensahe ng aktres sa kanyang Instagram post, “It’s okay to be body positive but to be neutral and want to improve yourself for yourself is also fair. 

“If you feel that you aren’t confident yet, that’s fine and that gives you something to work on,” aniya pa.

Dagdag pa ni Ina wala rin namang masama sa kagustuhang i-improve ang katawan sa pamamagitan ng diet, exercise at iba pa. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hangga’t maaari lang, hiling ni Ina matuto ang lahat na i-embrace kung ano ang meron sila, “As long as we all respect our bodies and find what feels good is all that matters.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending