Ellen Adarna saludo kay Kim Chiu: #BawalLumabas makes me happy!  | Bandera

Ellen Adarna saludo kay Kim Chiu: #BawalLumabas makes me happy! 

Ervin Santiago |May 29,2020
facebook
share this

Ellen Adarna saludo kay Kim Chiu: #BawalLumabas makes me happy! 

Ervin Santiago - May 29, 2020 - 09:24 AM

PAMPA-GOOD vibes ni Ellen Adarna ang hit na hit na ngayong “Bawal Lumabas” ni Kim Chiu.

Isa si Ellen sa mga celebrities na bilib na bilib sa tapang at pagiging positibo ng Kapamilya actress na hindi basta nagpatalo sa pambu-bully ng bashers.

Muling nagpa-Q&A ang dating sexy star sa kanyang Instagram Stories at isa nga sa mga follower niya ang nagtanong kung ano ang masasabi niya sa viral song ni Kim.

“Unsay masulti nimo kay Kim Chiu about sa iyang #BawalLumabas (Anong masasabi mo sa #BawalLumabas ni Kim Chiu)?” tanong ng netizen.

Sagot sa kanya ni Ellen, “It makes me happy. It really does. That’s my favorite, current favorite.”

Dagdag pang sagot ng ex-partner ni John Lloyd Cruz, “Ug kana si Kim Chiu guys mao na ang inyong sundon na mindset. 

“Mao na ang mindset of a true champion. Awa unsa ka paspas ni bounce back. (At ‘yan si Kim Chiu guys, ‘yan ang mindset na dapat niyong sundin. ‘Yan ang mindset of a true champion. Tingnan niyo kung paano siya nag-bounce back).” 

Dahil sa pamba-bash kay Kim sa social media dahil sa kontrobersyal na “classroom” analogy niya para kontrahin ang pagpapasara sa ABS-CBN, ipinganak ang kantang “Bawal Lumabas”.

Agad itong nag-viral matapos i-release ng Team Chinita Princess ang recorded version ng kanta. Sa loob lang ng isang araw, nakahamig agad ito ng milyun-milyong views.

“This is something nice and positive out of the negative na nangyari noong mga nakaraang araw,” pahayag ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending