Neri Naig shookt: Graaaaabe! Gustong pumunta ni Mega sa bahay namin! | Bandera

Neri Naig shookt: Graaaaabe! Gustong pumunta ni Mega sa bahay namin!

Ervin Santiago |May 28,2020
facebook
share this

Neri Naig shookt: Graaaaabe! Gustong pumunta ni Mega sa bahay namin!

Ervin Santiago - May 28, 2020 - 06:37 PM

Sharon-Neri

SHOCKED ang actress-resto owner na si Neri Naig nang mag-comment si Megastar Sharon Cuneta sa isa niyang Instagram post.

Nag-post kasi ang misis ni Chito Miranda sa Instagram ng pag-aari nilang vegetable garden sa Alfonso, Cavite at hindi niya inaasahan na mapapansin ito ni Shawie at nagkomento pa

“May tambayan na sa garden! Hehe! Next time mag ihaw ihaw kami dito tapos kukuha na lang ng mga dahon ng saging at dun kami kakain! Ayan literal na makakakain na kami sa labas, hehe!” ang caption ni Neri sa kanyang IG post.

Nag-comment naman si Mega sa post ni Neri at nangakong kapag lifted na ang modified enhanced community quarantine at pwede nang lumabas ng bahay, bibisita agad siya sa farm at resto nina Neri at Chito sa Cavite.

Sa sobrang excitement, ipinost pa ni Neri sa IG Stories ang palitan nila ng mensahe ni Sharon.

Ani Sharon, “Ang tagal ng quarantine na ito. Sana ma invite na namin kayo sa farm namin. Tapos. Ay hindi ako nag iinvite sa sarili. Pero ngayon gagawin ko – dadalawin na lang namin kayo.”

“Naku po. Sige po kapag pwede na. Game po,” sagot naman ni Neri.

“Graaaaabe! Gustong pumunta ni Megastar sa bahay namin!” ang caption naman ng aktres sa kanyang IG post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending