Alden nakakabawi na sa pagkalugi ng resto business; Chynna di na takot magluto | Bandera

Alden nakakabawi na sa pagkalugi ng resto business; Chynna di na takot magluto

Jun Nardo - May 28, 2020 - 09:43 AM

Chynna-Alden

UNTI-UNTI nang makababawi si Alden Richards mula sa pagkalugi 

nang mahigit dalawang buwan sa kanyang resto business.

      Sa kanyang Instagram stories, ibinalita ni Alden na open na for deliveries at take out ang mga restaurant niya sa Quezon City at Silang, Cavite.

      Una nang nagbukas ang kanyang global food chain branch sa Biñan, Laguna a few weeks ago matapos payagan ng gobyerno ang pagbubukas ng ilang negosyo na may kinalaman sa pagsusuplay ng pagkain.

Pero hanggang take out at deliveries pa lang ang serbisyo nila na epekto pa rin ng enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19.

      At kahit natengga nang ilang linggo ang kanyang mga empleyado, sustentado pa rin naman sila ng Asia’s Multimedia Star bilang tulong na rin sa panahon ng lockdown.

Alam ni Alden na wala ring pagkukunan ng ikabubuhay ang mga staff niya sa kanyang resto business kaya siniguro niya na tuloy pa rin ang pagtanggap nila ng sweldo kahit sarado at walang kita ang mga negosyo.

                           * * *

Aminado ang “Idol sa Kusina” host na si Chynna Ortaleza na noon ay wala siyang kahit anong background pagdating sa pagluluto. 

Aniya, “Actually I was surprised when they called me and asked me to co-host with Chef Boy Logro sa ‘Idol sa Kusina’ dahil wala talaga akong alam sa pagluluto.”

Pero ngayon daw ay marami na siyang natutunan mula kay Chef Boy at sa pagiging host niya, “What’s nice about Chef Boy is he’s a very patient teacher. 

“Sinasabi niya sa akin lagi na practice lang daw at ‘wag ako matakot mag-experiment. 

“After a year with ‘Idol sa Kusina’ du’n ko na-feel na tinubuan na ako ng confidence sa paga-assist kay Chef Boy at masaya rin dahil life skill ang natututunan ko sa kanya,” ani Chynna.

Napapanood ang “Idol sa Kusina” tuwing Linggo ng gabi sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

             

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending