Tom mas nasigurong si Carla na ang the one; alagang bird ni Ken nagsasalita  | Bandera

Tom mas nasigurong si Carla na ang the one; alagang bird ni Ken nagsasalita 

Ervin Santiago |May 28,2020
facebook
share this

Tom mas nasigurong si Carla na ang the one; alagang bird ni Ken nagsasalita 

Ervin Santiago - May 28, 2020 - 07:57 AM

MAKALIPAS ang mahigit dalawang buwang pagpapatupad ng enhanced community quarantine, may napatunayan si Tom Rodriguez sa relasyon nila ni Carla Abellana.

Ayon sa Kapuso actor, nang dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic, mas nasiguro pa niyang si Carla na talaga ang kanyang “the one.”

Sa panayam ng GMA news, sinabi ni Tom na mas naging klaro at napagtibay raw ng lockdown ang kanilang relasyon ng Kapuso actress.

 “Siya, hindi naggi-give up, hindi nagpa-falter and willing to really work it out and support me. Mas nagiging klaro sa akin na siya na pala talaga,” pahayag ni Tom.

Sa katunayan ay kapansin-pansin ang sweetness ng dalawa sa recent YouTube vlog ni Carla kung saan gumawa siya ng specialty niyang Filipino dessert na leche flan na paborito rin daw ni Tom. 

Aktibo ang Kapuso couple sa pagpapaabot ng tulong sa mga higit na apektado ng COVID-19 pandemic gaya na lamang ng recent performance ni Tom sa Bayanihan Musikahan. 

Habang tigil muna sa taping ang serye nilang “Love Of My Life”, muling napapanood ang groundbreaking series na “My Husband’s Lover” na pinagbidahan din nina Carla at Tom kasama si Dennis Trillo sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Meant to Be.”

                            * * * 

May bagong hobby na pinagkakaabalahan ang Kapuso actor na si Ken Chan habang naka-quarantine sa kanyang bahay. 

Ipinakilala niya sa kanyang fans at followers ang pinakabago niyang pet na isang parrot bird. 

Sa kanyang Instagram video, makikita kung paano niya pinapakain ang kanyang pet na pinangalanan niyang Pasha. 

Aniya, “’Feeding the birds is also a form of prayer.’ – Pope Pius XII. Meet ‘Pasha’ my African Grey Parrot Bird.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinuwento rin niya na marunong nang magsalita si Pasha na talagang ikinatuwa ng netizens.

Samantala, last week ay nakisaya si Ken kasama si Rita sa Facebook Live ng “Bayanihan Musikahan” para makatulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending