AlDub magic buhay na buhay pa rin; Maine may 6M followers na sa Twitter | Bandera

AlDub magic buhay na buhay pa rin; Maine may 6M followers na sa Twitter

Jun Nardo |May 27,2020
facebook
share this

AlDub magic buhay na buhay pa rin; Maine may 6M followers na sa Twitter

Jun Nardo - May 27, 2020 - 12:41 PM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

MAHIGIT 6 million na ang followers ni Maine Mendoza sa Twitter as of this writing.

      “Woaaaaaah 6M! Thank you guys,” tweet ni Meng.

      Patunay lang ito na hindi pa rin kumukupas ang magic ng Phenomenal Star bilang isa sa most followed local celebrities sa Twitter, huh!

      Sa totoo lang, kahit rerun na lang ng Kalyeserye nila ni Alden Richards ang napapanood sa Eat Bulaga ngayon, talagang sinusubaybayan pa rin ito ng mga Dabarkads all over the world.

Kahit ilang taon na ang lumipas mula noong maging magka-loveteam sina Maine at Alden na nagsimula nga sa Kalyeserye ay buhay na buhay pa rin ang kilig sa kanilang mga fans.

 Ibig sabihin, until now ay hindi pa rin nawawala ang magic at powers na hatid ng AlDub phenomenon, huh!

Sa katunayan, araw-araw pa ring nakatutok ang loyal AlDub Nation sa Eat Bulaga tuwing tanghali para muling kiligin at ma-in love sa mga eksena nina Alden at Maine sa Kalyeserye.

                           * * *          

Nanibago si Jillian Ward nang matengga siya sa taping ng ilang buwan dahil sa enhanced community quarantine sanhi ng COVID-19.

      Imagine nga naman, since 2009 ay nagti-taping na siya then all of a sudden, nagbago ang routine ng young actress.

      Nasa bahay lang ngayon si Jillian at todo ang pag-aaral sa pagluluto at siyempre, nagkaroon din siya ng maraming oras para mag-workout.

      “Ang alam ko po kasi pag nag-e-exercise ang isang tao parang mas nagiging happy. Lumalabas po kasi ang happy hormone niya.

      “Saka gusto ko pa rin kasing maging fit,” pahayag ni Jillian sa interview sa kanya sa 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                                          

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending