Lasing kinatay ang panganay | Bandera

Lasing kinatay ang panganay

|May 26,2020
facebook
share this

Lasing kinatay ang panganay

- May 26, 2020 - 07:12 PM

NAHAHARAP sa kasong parricide ang 51-anyos na lalaki na sinaksak at napatay sa sobrang kalasingan ang kanyang anak sa Dumanjug, Cebu kaninang madaling araw.

Nadakip si Reynaldo Suize makaraan niyang mapatay ang anak na si Rey Vincent Suize, 24, sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Bitoon ala-1 ng umaga.

Ani Ardeolito Cabagnot, hepe ng Dumanjug Police, umuwi si Reynaldo mula sa inuman at natulog sa balkonahe. Ginising siya ni Rey Vincent para palipatin sa loob ng bahay pero nagalit ang suspek, kumuha ng patalim at sinaksak ang anak.

“Murag na alimpungatan siguro ni siya wala sa iyang right state of mind,” Ani Cabagnot. (Maybe he was half asleep or was not in the right state of mind.)

Dead on arrival sa ospital ang biktima habang hinintay ng suspek ang mga pulis na dakpin siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending