Hindi lang chichirya ang posibleng tumaas sa junk food tax
NANGANGAMBA ang Bayan Muna na ang panukalang junk food tax ay mauwi sa pagtaas ng presyo hindi lamang ng chichiria kundi maging ng mga pangkaraniwang pagkain na siyang kayang bilhin ng ordinaryong Pilipino.
Ayon kay Rep. Carlos Isagani Zarate maaaring ang panukala ay maging ang kinatatakutang asin tax na nauna ng ibinasura ng Kamara de Representantes dahil sa laki ng itataas sa presyo ng karaniwang pagkain.
“It seems that the Duterte administration is hellbent on making life harder for poor Filipinos by proposing a supposed junk food tax that seems to be just an expanded version of the patently anti-poor Asin Tax?” tanong ni House Deputy Minority leader Zarate.
Sa ilalim ng asin tax papatawan ng buwis ang mga pagkain batay sa dami ng asin nito kaya tataas ang presyo ng daing, sardinas at noodles.
“Sa Asin tax, maski end product ang bubuwisan ng P1/mg ng sodium o asin sa produkto, dahil per milligram ang kwentada nila ay napakabigat nito sa mahihirap. Maski ipataw lang ito sa ibabaw ng sodium daily dietary allowance na 500 mg per day for adults ay papatak na ilandaang piso na ang daing, tuyo, sardinas o noodles atbp,”
“In the proposal of the National Tax Research Center (NTRC), the plan is to slap supposed junk foods with 10-20% excise tax. This means that a kwek-kwek that is P20 now would become P22-24 with the tax, a banana or camote cue from P15 to P16.50-P18 each, even chicken skin, instant mami and pancit canton which are a staple of the poor would be increased in price.”
Sinabi ni Zarate na ang mga mayayaman ang dapat na sinisingil ng mas mataas na buwis gaya ng pagpapataw ng dagdag na 1 porsyentong buwis sa bawat 1 milyong kita ng mga ito.
“It is tragically ironic that the government wants to tax more the poor but it rushed the passage of the bill in Congress that would lower the income tax rate of corporations and the rich. It is not the sin of the poor that they can only afford a poor people’s diet. It is their concrete present abject condition in our country that prevent them from getting healthy food,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.