MM mayors pabor sa GCQ simula Hunyo 1 | Bandera

MM mayors pabor sa GCQ simula Hunyo 1

Liza Soriano - May 25, 2020 - 09:57 PM

Lockdown

TINATAYANG 14 sa 17 mayor sa Metro Manila ang pabor na ideklara na ang general community quarantine (GCQ) simula Hunyo 1 mula sa kasalukuyang modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sinabi  ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na nakatakdang magpulong sa Miyerkules ang Metro Manila Council (MMC) para talakayin ang isyu.

Idinagdag ni Olivarez na nagdulot na ng “devastating effect” ang coronavirus disease (COVID-19) sa mga empleyado ay employers.

Matatandaan sa nakaraang pagpupulong ng MMC nitong nakaraang Mayo 9, inendorso ng mga mayor na sina Joy Belmonte, ng Quezon City; Abby Binay, ng  Makati; Isko Moreno, ng Maynila; Antolin Oreta III, ng Malabon at Imelda Aguilar, ng Las Pinas ang pagsasailalim ng Kalakhang Maynila sa GCQ.

Bumoto naman si Pasay City Mayor Emi Rubiano sa isang linggong extension ng ECQ, samantalang hindi naman bumoto sina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at Marikina City Mayor Marci Teodoro sa panukala.

Samantala, naghahanda naman sina Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at  Navotas City Mayor Toby Tiangco para sa pagsasailalim ng Metro Manila sa GCQ.

Sinabi naman ni Moreno na bumoto siya para sa implimentasyon ng GCQ. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending