Calida inaasahan sa pagdinig ng prangkisa ng ABS-CBN bukas | Bandera

Calida inaasahan sa pagdinig ng prangkisa ng ABS-CBN bukas

Leifbilly Begas - May 25, 2020 - 12:10 PM

INAASAHAN ng Kamara de Representantes ang pagsipot ni Solicitor General Jose Calida sa pagdinig ng prangkisa ng ABS-CBN 2.

Ayon kay House committee on good government and public chairman at Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado nais ng Kamara na maging patas ang pagdinig na isasagawa nito.

“As Speaker Alan Peter Cayetano has repeatedly said, Congress is committed to upholding due process by conducting a fair, impartial, and comprehensive hearing before approving or denying the franchise application,” ani Sy-Alvarado.

Asahan umano ang pagpapatawag ng mga resource persons upang bigyang linaw ang mga alegasyon laban sa Channel 2 at inaasahan na sasagutin ito ng mga opisyal ng istasyon.

“In relation to this, other than those who have a material stand for or against the franchise application, the Committee on Legislative Franchises shall also call several resource persons to shed light and provide a general overview of the issues. This includes the Solicitor General, whom we expect will be present during the hearing tomorrow, without prejudice to the quo warranto case he has filed before the Supreme Court.”

Gaya umano ng maraming Filipino, nais ng mga kongresista na marinig ang paliwanag ni Calida kaugnay ng pagsulat nito sa National Telecommunications Commission kung saan nito sinabi na iligal ang pagbibigay ng provisional authority sa Channel 2 upang makapag-operate ito kahit expired na ang prangkisa at sa halip ay cease and desist order ang dapat nitong ipadala.

Nagsara ang ABS-CBN ilang oras matapos na matanggap ang CDO na ipinadala ng NTC.

“Just like the Members of Congress, I am sure our kababayans would like to hear – and they deserve to hear – what SolGen Calida has to say, instead of just reading or watching about it in the news,” dagdag pa ng solon.

Sinabi ni Sy-Alvarado na sa ilalim ng Section 21, Article VI ng Konstitusyon, hindi maaaring pigilan ng nakabinbing kaso ang pagdinig ng Kamara sa paggawa nito ng batas.

Bukas ang ikalawang pagdinig na isasagawa ng House committee on legislative franchise sa prangkisa ng ABS-CBN. Kasama sa pagdinig bukas ang komite ni Sy-Alvarado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending