PALALAKASIN ng Department of Education-Malaybalay, Bukidnon ang kanilang Radio-Based Instruction (RBI) to Formal Education usa pagharap sa new normal.
Tinatawag itong “Radyo Eskwela” o “Eskwelahan sa Radyo” na sinimulan noong 2008 at isa sa Alternative Learning System (ALS) na ginagamit upang mapatapos ang mga bata sa probinsya.
Sa tulong ng mga eksperto, napalawig ang “session guides, reproduction of workbooks, recording, and packaging of learning episodes” upang maging angkop sa panahon ang mga itinuturo sa mga bata.
“The challenge of expanding the program to cater to formal education is a gargantuan task that we are willing to face head-on and commit to offer being the safest and most accessible way of learning,” saad ng pahayag ng DepEd-Malaybalay.
Binabalangkas na ang mga learning materials na gagamitin sa paghimpapawid ng programa.
Magsisimula ang klase ng Radyo Eskuwela sa unang linggo ng Setyembre sa DXDB.
Ang schedule para formal education ay 10 ng umaga hanggang 12 ng tanghali para sa elementarya at 01 hanggang 3 ng hapon sa high school tuwing Biyernes.
Ang klase naman sa Alternative Learning ay mapapakinggan sa Love Radio at DXBU [BukSU university radio].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.