Coco 4 na araw pinahanap ang galit na galit na fan; tinupad ang pangako | Bandera

Coco 4 na araw pinahanap ang galit na galit na fan; tinupad ang pangako

Julie Bonifacio |May 24,2020
facebook
share this

Coco 4 na araw pinahanap ang galit na galit na fan; tinupad ang pangako

Julie Bonifacio - May 24, 2020 - 03:50 PM

TRUE to his words,  binigyan ni Coco  Martin ng bagong telebisyon at iba pang ayuda ang isa niyang fan na nag-post ng video bilang suporta sa kanyang idolo noong magsara ang ABS-CBN.

    Galit na nagpakita ng  pagkadismaya ang male fan ni Coco sa video pagkatapos ngang ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN  noong May 5 sa bisa ng cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission.

Hindi na raw kasi niya  mapapanood  ang top-rating and longest action-serye sa TV na pinagbibidahan ni Coco, ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

    Ibinagsak pa  ng lalaki ang kanyang telebisyon  habang nakasabit naman sa kanyang balikat ang t-shirt na may mukha ni Coco.

     Nag-viral ang naturang video sa social media hanggang nakarating nga kay Coco.    

    Naka-post din sa  Instagram account ng aktor ang  naturang video at sa caption nito ay nagpasalamat si Coco sa suporta ng kanyang  dismayadong fan.

     Ito ang caption ni Coco  sa video ng kanyang galit na galit na fan, “MARAMING SALAMAT TOL SA IYONG SUPORTA!!! PAG BALIK NAMIN PAPALITAN KO YANG TV MO NG MASMALAKI PANGAKO KO SAYO YAN!!! 

“PATI MOTOR BIBIGYAN KITA PAGBALIK NA PAGBALIK NAMIN!!! MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG TAONG SUMOSUPORTA AT NAKIKIRAMAY SA AMIN HINDI HINDI NAMIN KAYO MAKAKALIMUTAN!!!”

   Two weeks after ay nag-post ulit ng  bagong video  ang naturang fan ni Coco. This time, mahinahon at nakangiti na ito sa video habang suot na ang t-shirt na may mukha ng aktor. Nagpakilala siyang si Rex na taga-Surigao. 

    Hindi raw niya inakala na makakaabot  kay Coco ang kanyang video na in-upload ng kanyang mga ka-batch noong May 6.

     “Ako ay nagpapasalamat sa staff n’yo (Coco and ABSCBN). Pinahanap  ninyo ako  dito sa Surigao. Mga tatlong araw yon o apat na araw nagtanung-tanong sila. Dahil sa sinabi mo Idol na papalitan  mo yun (TV) mas malaki pa diyan.  Akala ko wala lang, parang joke lang,” natutuwang sabi ni Rex.

     Ipinalabas din sa video ang pagdeposito sa ATM ng pambili ng TV ni Rex from Coco at pati na ang pag-withdraw niya sa pera.

      “Pumunta agad  ako sa bilihan ng TV.  Nakita ko mukha mo sa ine-endorse  mo na TV. Ayun ang binili ko,” anito with matching picture ng pagbili niya sa TV.

     Nagsalita rin ang misis ni Rex sa video at nagpasalamat sa  ibinigay na  tulong ni Coco sa pamilya niya,  “Tapos, tinulungan din niya ang pamilya namin. At least, may magagastos kami ngayong kabuwanan ko,” lahad ng misis ni Rex.

    Bukod kay  Rex at sa   pamilya niya,  nagpadala rin ng tulong si Coco sa mga ka-batch ng kanyang tagahanga. Sinabi pa ni Rex na na-surprise talaga siya sa ipinakitang  kabutihan ni  Coco sa kanya.

    “Hindi ko akalain na yun ang ibinigay ng Panginoon sa akin galing sa inyo. God bless po sa yo. Sana mag-ingat ka palagi. Sana magdasal ka palagi sa Panginoong Diyos. Sana bigyan ka ng lakas at magandang buhay.  Sana marami pang biyaya ang dumating sa yo para marami ka pang matulungan Coco Martin.”

  Sa huli, si Rex naman ang nagpahayag ng kanyang suporta kay Coco sa “laban” na kanyang kinakaharap.

     “Ipaglaban mo…..ipaglalaban namin mga fans mo dito sa Surigao. Idol, maraming salamat talaga. Huwag po natin iiwan si Idol Coco.  Solid po tayo,”  mensahe niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

     

                 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending