NABABAHALA ang nakararaming Filipino na mahawa ito o kanyang pamilya ng coronavirus disease 2019.
Sa Mobile Phone Survey ng Social Weather Station, 87 porsyento (73 porsyento ang lubos na nababahala at 14 porsyento ang medyo nababahala) na mahawa ito o miyembro ng kanyang pamilya ng COVID-19.
Mas mataas ito kumpara sa ibang survey para sa sakit na Ebola (82 porsyento) noong 2014, Swine Flu (82 porsyento) noong 2009, Bird Flu (83 porsyento) noong 2006 at Severe Acute Respiratory Syndrome (78 porsyento) noong 2003.
“Worry about catching Covid-19 is also higher among Filipinos than Britons, Australians and Americans based on similar surveys.
Sa mga tinanong 94 porsyento ang may alam na sintomas ng Covid-19, gaya ng lagnat (sagot ng 87 porsyento), ubo (86 porsyento), sipon (50 porsyento), hirap sa pahinga (46 porsyento), pananakit ng lalamunan (33 porsyento), pananakit ng katawan (20), pananakit ng ulo (15 porsyento), pagtatae (11 porsyento), fatigue (2 porsyento) at iba pang sintomas (10 porsyento).
Ginawa ang survey mula Mayo 4-10 at kinuha ang opinyon ng 4,010 working-age Filipinos. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2 porsyento. Ginawa ang survey mula Mayo 4-10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.