Angel buking kay Janus: Siya lang ang nag-offer ng tulong noong magkasakit ako... | Bandera

Angel buking kay Janus: Siya lang ang nag-offer ng tulong noong magkasakit ako…

Ervin Santiago - May 24, 2020 - 02:50 PM

IPINAGTANGGOL ng Kapamilya character actor-comedian na si Janus del Prado si Angel Locsin mula sa mga bashers at trolls sa social media.

Kasabay nito, napa-throwback din ang aktor noong mga panahong tinulungan siya nang bonggang-bongga ng tinaguriang tunay na “Darna” ng mga Pinoy.

Sa isang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang throwback photo nila ng aktres, ibinandera ng aktor na ilang beses na siyang tinulungan ni Angel at talagang tatanawin niya itong utang na loob sa aktres habang siya ay nabubuhay.

Tulad na lang daw noong nagkasakit siya taong 2014, tanging si Angel lang daw ang kasamahan niya sa showbiz ang nagpakita na malasakit at nag-offer ng tulong sa kanya.

“Sa mga bumatikos sa ‘yo at gusto kang tapusin, paps. Wag mo na lang sila pansinin. Kilala ka naman ng mga taong malalapit sa ‘yo at yung pagtingin namin sayo ang importante. 

“Sabi ng mga trolls at bashers, pakitang-tao ka lang daw. Pero di nila alam na madami ka natutulungan na di nababalita. Gaya ko paps,” simulang mensahe ni Janus.

Pagpapatuloy pa niya, “Naalala ko dati nu’ng nagka tigdas ako way back 2014, ikaw lang sa mga kakilala ko sa industriya ang nag-offer ng tulong at malasakit. 

“Sinagot mo na nga hospital bill ko, nagpupumilit ka pa dumalaw kahit bawal kasi naka-quarantine ako sa hospital. Hehe. Baliw ka talaga. Salamat sa malasakit at sa pagkakaibigan,” lahad pa ng komedyante.

Apektado rin si Janus sa mga nababasa niyang pamba-bash kay Angel lalo na sa mga nagsasabing peke o hindi galing sa puso ang ginagawa nitong pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic. 

Mensahe pa ni Janus, “Sa mga nagsasabing NPA ka, di lang nila alam ang totoo, na NBA ka. Turn around fade away dunk! Labyu paps!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naiyak naman ako sa pa-tribute mo paps. Salamat sa pagtatanggol,” ang reaksyon naman ni Angel sa pahayag ni Janus.

Naging close ang dalawa noong magkasama sila sa ilang proyekto ng ABS-CBN, kabilang na ang blockbuster movie na “Four Sisters and a Wedding” noong 2013 at sa seryeng “The Legal Wife.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending