BANDERA "One on One": Toni Gonzaga | Bandera

BANDERA “One on One”: Toni Gonzaga

- March 08, 2010 - 04:28 PM

ni Julie Bonifacio, Showbiz Correspondent

BONGGA ang pagpi-pinch-hit ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga kay Kris Aquino sa primetime showbiz news oriented show nila ni Boy Abunda na Showbiz News Ngayon. Pansamantalang nagpaalam si Kris na hindi muna lalabas sa SNN at babalik na lang sa show nila ni Boy after ng May election. Dahil dito, naghahalinhinan muna sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales at Toni bilang co-host ni Boy.
Nagpunlak naman si Toni ng isang exclusive interview para sa BANDERA pagkatapos niyang sumalang sa SNN last Wednesday.

BANDERA (B:): Dahil sa tagumpay ng two-night show mo sa Music Museum, marami na ang natatanong kung kailan ka naman magko-concert sa Araneta Coliseum. Ito na lang daw ang kulang para makumpleto na ang pagiging concert artist mo at deserving ka namang mag-perform na sa Big Dome?
TONI GONZAGA (TG): Bakit may mga ganu’n? Ikaw naman. Ay, talaga! Uy, taray mo naman sa mga upsound mo d’yan! Hahahaha!  May mga you deserve it pang ganyan!
E, lahat naman siguro ng tao nangangarap  na makapag-perform doon kasi nagpupunta naman ako ng Araneta kapag nagbi-big night ang PBB at may mga events. E, darating tayo d’yan. ‘Yung mga bagay  na ‘yan hindi  minamadali, pinaghahandaan.

B:Mas makukumpleto ang title mo bilang isang ultimate multimedia star kung magko-concert ka na sa Araneta.
TG:Hmmm…may mga ganu’n? Ikaw talaga, pero panalo! Hindi, e,  lahat naman ‘yun pangarap talaga. Darating tayo doon. Sabi ko nga hindi minamadali ‘yan. Kanya-kanyang panahon ‘yan, e. Kung  darating ang panahon na ‘yun, naku masayang-masaya ako dahil matutupad ko rin ‘yung pangarap ng daddy ko, ng nanay at tatay ko ‘yun para sa akin. Kaya nga kapag nagbi-big night ako proud na proud ‘yun dahil tumatayo ako sa Araneta. So, pangarap ng daddy ko talaga sa akin ‘yun na makita akong umaawit doon. Bata pa lang kami ‘yun na ‘yung adhikain namin sa buhay.

B:Ito ba ang ultimate dream ni daddy Carlito sa’ yo?
TG:Oo,  ‘tsaka ako rin. Kaya lang  hindi ko masyadong iniisip kasi kapag inisip mo ‘yun mape-pressure ka, e. So, walang ganu’n. Ngayon ang panalangin ko kung ano na lang ang dumating paghandaan. Do your best at darating at darating tayo d’yan kung sa atin nga.

B:Ano’ng klaseng show naman kaya ang gagawin niya sa Araneta if ever?
TG:E, ‘di siyempre kung ano ‘yung kaya kong ibigay. Hindi naman, ako naman lagi kong sinasabi hindi naman ako nandito sa business na ito para makipag-compete. Nandito lang talaga ako para i-enjoy ‘yung mga talentong naipahiram sa akin ni Lord at para mai-share sa mga humahanga, sumusuporta. So, ‘yun. So, kung sakaling matupad ang wish ko gagawin ko lang kung ano ang kaya kong gawin.

B:Isa pa raw requirements para maging over-over na ang pagiging ultimate multimedia star niya ay kailangang mag-perform din siya sa stage (stage play).
TG:Stage acting? Nay! Darating din tayo d’yan. Lagi ko namang sinasabi na may panahon para sa mga bagay na ‘yan. Huwag pilitin kung hindi pa talaga.

B:Na-imagine mo ba na one day bilang aktres ay magpe-perform din siya sa stage?
TG:Oo, kasi nag-audition din ako noon sa Repertory Philippines. Nakapasa ako kaya nga lang sobrang bata ako hindi ko sineryoso, tinanggal ako. Sayang. Pero ngayon? Pwede, oo. E, pero siyempre ‘pag kaya talaga, gagawin ko lahat.

B:Inaabangan na rin ngayon ang nalalapit na pagtatambal n’yo ng action star na si Robin Padilla. Hindi naman nagwo-worry ang boyfriend mong si direk Paul Soriano sa pakikipagtrabaho mo kay Robin kahit aware raw siya kung gaano katinik sa tsiks si Binoe. Malaki raw kasi ang tiwala niya sa ‘yo. Comment mo du’n?
TG:E, kami naman kami ni direk Paul ah, sa almost magti-three years na pinagsamahan namin, malalim na rin naman ‘yung foundation, ‘yung tiwala  nanakuha niya sa magulang ko, sa akin at sa isa’t isa. Talaga ano na ‘yun, matatag na. Tsaka kami naman hindi naman  namin pini-pressure ang isa’t isa. Kasi sa sarili namin alam namin kung ano ang trabaho at kung ano ‘yung personal life.
So, siguro naman naipakita ko sa lahat ng nagawa kong proyekto dito sa ABS, at saka sinabi ko naman sa kanya ‘yun, e. May mga na-link din naman sa akin na mga artista noon pero bakit hindi natuloy ‘di ba? Kasi, at  the end of the day nasa babae ‘yun. O, ‘di ba? At the end of the day nasa akin pa rin ‘yun. So, ‘yun, ipinagpi-pray ko lang talagang may strength, give me more strength and courage, and to stay away from temptations.

B:Pero sa pagkakalilala ng mga taga-showbiz kay Robin, maaaring ikaw mapagkatiwalaan ka pero hindi ang iyong soon-to-be leading man.
TG:I trust him  as a person and a co-worker.

B:Sabi naman ni direk Paul, given daw na matinik talaga sa tsiks si Robin, ang pagsasama n’yo sa pelikula ang magiging test ng pagmamahalan n’yo.
TG:Ay! May mga ganu’n pa na nalalaman?  Sumasagot-sagot? Diyos ko naman!  Oo, sabi ko, tahi-tahimik lang. Huwag ka nang magsasagot sa mga ganu’n-ganu’n! Hahahaha! Joke! Pero totoo naman ‘yung sinabi niya. Wala ‘yun, hindi ‘yun  magiging isyu sa amin. Doon sa sinabi niya na that will be the test of our love, ay, hindi lamang ito ang test. Marami pang test na darating. Ang importante malampasan lahat ng test.

B:Ayon naman kay Mommy Pinty, supposed to be ay may love scene sila ni Robin sa movie. Aware ka ba du’n?
TG:Oo, na-discuss na rin sa akin ‘yun. E, siyempre lagi namang ganu’n ‘yun, e. Bilang isang aktres gusto nila mag-evolve raw. E, lagi ko namang sinasabi ang maturity ng isang aktres, ang page-evolve ng isang aktres hindi naman nade-define sa mga love scene at daring na mga eksena. Kaya mo rin namang mag-mature at  maging daring pagdating  sa pag-arte, sa pag-atake sa mga role mo.
Siguro ano, hindi pa ako komportable sa mga ganu’n.  May mga artista na handa at kayang gawin ‘yung mga ganu’n. Ako, personally, hindi ko pa kaya. Hindi ko pipilitin tsaka lagi kong sinasabi as much as possible kung hindi naman  kailangan at saka kung pwede namang iwasan at magagawan ng paraan, sabi ko gawan ng paraan.

B:Ano ang reaksyon ng Star Cinema bosses na magpro-produce ng first team-up n’yo ni Robin sa desisyon mong ‘yan?
TG:E, syempre,  uhm, may pag-uusap pa rin. Kaya nga medyo natatagalan ang shooting dahil maraming inaayos, maraming inaareglo. Basta ang ending nito, magkikita pa rin kami sa ending at matutuloy.

B:Paano kung i-insist ni Robin ang love scene n’yo sa movie?
TG:Another interview ‘yun. ‘Yun ang magiging another  set nitong interbyu na ito. ‘Yun ang magiging part two ng usapang ito dahil sa ngayon ay wala pang nagaganap na upuan at harapan.

B:Ayon pa kay Mommy Pinty kung ipipilit daw ang  love scene okey lang sa kanila na wala na lang movie na matuloy. Agree ka ba?
TG:E, ‘yun ang paniniwala ng mga magulang ko. Ako naman, e, I trust my parents at alam ko kung ano ang gusto nila ‘yun lang ang makakabuti sa akin. ‘Tsaka wala namang sigurong mangyayari na masama sa isang anak kung sumusunod  sa magulang.

B:Sa last concert mo, agaw-pansin ang dalang black Hermes bag ni Mommy Pinty?
TG:Ayun na. Birthday gift (ko), November 1. Ngayon lang ginamit dahil hindi magamit-gamit. Ayaw magasgasan. Kasi niregaluhan ko ang daddy ko ng relo, Rolex. E, gulat na gulat siya. ‘Ay! Ang mahal ng regalo niya sa daddy niya.’ So, gusto naman niya na nagparinig, i-gibsung ko nga ng ano, ibigay ko nga ang hilig!’ O, ayan, isang Birkin Hermes bag!

B:Hilig ba ni Mommy Pinty ang  mga Hermes bags?
TG:Hindi, pero hilig din niya ‘yung mga something na ganu’n din ang presyo. So, ibigay ang  hilig!

B:Ano ang initial reaction ni Mommy Pinty nu’ng tanggapin ang regalo mo?
TG:Ay, napaupo si Mommy Pinty. Napatigil sa pagte-text, bilang hobby noon ang pagti-text. Hindi  muna nag-text ng five minutes. Kinilatis muna  ang mga parte ng bag kung original. O, so, may pagkikilatis muna na naganap na may pagka-shock na may pagka-touch na may pagka-overwhelm. O, ‘yun na!
Nahihiya siyang gamitin. Pero ginamit niya ‘yun nu’ng premiere ng ‘Ang Tanging Pamilya.’  E, tinatago, nahihiya.  Sabi ko, ‘Bakit ka naman nahihiya?’ E, sabi niya, baka raw isipin na ano, kaya nahihiya nga raw siya. E, hindi pwede, gamitin mo ‘yan, sabi ko sa kanya.

B:True ba naghati kayo ni Alex sa pagbili ng bag?
TG:Oo, hati. Pero alam mo na ang ibig sabihin ng hati sa amin ni Alex. Kapag sinabing hati kami, 90-10. Ninety percent akin, 10 lang ‘yung sa kanya.

B:Mula ba sa komisyon ni Mommy Pinty sa kanila bilang manager ang pinagkunan mo ng pambili ng Hermes bag?
TG:Hindi. ‘Yun ay ang blessing ng mga anak niya dahil mabait si Mommy Pinty and she deserves it.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BANDERA, 030810

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending