James Yap hangad ang PBA title sa Rain or Shine | Bandera

James Yap hangad ang PBA title sa Rain or Shine

, |May 24,2020
facebook
share this

James Yap hangad ang PBA title sa Rain or Shine

- , May 24, 2020 - 12:47 PM

JAMES Yap

MARAMI nang nakamit si Rain or Shine Elasto Painters swingman James Yap na PBA titles at MVP awards na kanyang maipagmamalaki.

At dahil palapit na rin ang pagtatapos ng kanyang basketball career, hangad ng star swingman na matupad ang isa pang pangarap bago tuluyang magretiro.

“This is already my third with Rain or Shine so I hope I get to be a champion here at Rain or Shine. Even just one championship,” sabi ni Yap sa 2OT podcast kasama sina Carlo Pamintuan at Magoo Marjon.

Ang 38-anyos na si Yap ay nagwagi ng pitong titulo sa Purefoods franchise kabilang ang Grand Slam noong 2014.

At magmula nang i-trade siya sa Elasto Painters, hindi na nakabalik si Yap sa championship round.

Ang Philippine Cup noong isang taon ang pinakamalapit na pagkakataon sana ni Yap na wakasan ang kanyang tagtuyot sa finals subalit nabigo ang Rain or Shine na patalsikin ang kanyang dating koponan na Magnolia Hotshots sa Game 7 ng semifinals kahit nagawa nilang makalamang ng 17 puntos sa laro.

Sinabi rin ni Yap na ang PBA title na mapapanalunan niya sa Rain or Shine ay iaalay niya kay Margaret Yu, ang ina ni co-team owner Raymund Yu at isa sa kanyang mga masugid na tagasuporta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending