outbrain

Confirmed: Catriona Gray, Sam Milby magdyowa na! 

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

Confirmed: Catriona Gray, Sam Milby magdyowa na! 

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

MAGDYOWA na sina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ang bonggang pasabog ng Kapamilya hunk actor sa kanyang 36th birthday ngayong araw.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sam ng litrato nila ni Catriona nang magkayakap. Kahit medyo malayo ang kuha, makikita pa rin ang napakatamis na ngiti sa kanilang mga labi.

Nilagyan ito ni Sam ng maikli ngunit punumpuno ng kilig na caption na, “Worth every second of the wait. Most special birthday yet.”

Bumuhos naman agad ang pagbati kina Sam at Catriona  mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz.

Comment ni Angelica Panganiban, “Ayiiie! Happy birthday, Sam! Very, very happy for the both of you!”

Sey naman ni Erik Santos, “Happy birthday, brother. Happy for you.”

Maikling komento naman ni KC Concepcion, “Finally (6 na roses emojis).” 

“Yey Kuys! Happy birthday!” sey ni Morissette Amon.

“LOVE YOU BOTH SO MUCH!” sey naman ni Moira dela Torre.

Kanina naisulat namin dito sa BANDERA ang tungkol sa surprise greeting ni Catriona para kay Sam sa ginanap na Facebook Live ng Cornerstone Entertainment.

Sey ng beauty queen, “Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness. You are loved by so, so many!”

Pagkatapos magsalita ni Cat  ay tinukso na si Sam ng BFF niyang si John Prats. Hiyang-hiyang reaksiyon ng hunk singer-actor, “Kay Ms. Catriona… Hi! Nahiya ako… Hi!” sabay nagpakawala ng napakatamis na ngiti.

Patuloy pa niya na halatang natorpe matapos sorpresahin ni Cat, “Nahiya ako magbigay ng message…uhm, thank you for your greeting…uhm, yeah… nahiya talaga ako. 

“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. No, I’m so… uhm… so happy that…super happy! Yes, bye!” sey pa ni Sam sabay yuko at humawak sa kanyang ulo at tenga na parang isang bata.

Sey pa ni Sam, “Basta I’m kilig sa message. Super kilig sa message. Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you.

“Yes, you are very special. Very special,” hirit pa niyang mensahe para sa bago niyang GF.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending