outbrain

Sam Milby natorpe kay Catriona Gray: Basta I’m kilig, super kilig!

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

Sam Milby natorpe kay Catriona Gray: Basta I’m kilig, super kilig!

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

NAGULAT at natorpe si Sam Milby nang mapanood ang video ng birthday greeting sa kanya ni 2018 Miss Universe Catriona Gray kahapon.

Matagal nang napapabalita na may “something” sa pagitan ng aktor at ng beauty queen pero wala pa silang inilalabas na kumpirmasyon hinggil dito.

Kitang-kita sa itsura ni Sam ang kaligayagan nang matanggap ang surprise birthday greeting ni Catriona sa Facebook Live session ng Cornerstone Entertainment, ang “CSTV Presents: Lunch With The Stars”.

Ngayong araw, May 23, ang 36th birthday ni Sam at kahapon nga ay hinandugan siya ng online celebration ng CSTV kasama sina John Prats at Pooh.

Pagkakita pa lang ni Sam kay Catriona sa video greeting ay bigla nang nag-iba ang itsura nito, mababakas ang magkahalong saya at tensiyon sa kanyang reaksiyon.

Bati sa kanya ni Catriona, “Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness. You are loved by so, so many!”

Pagkatapos magsalita ng beauty queen ay tinukso na si Sam ng BFF niyang si John Prats at nakisali na rin si Pooh.

Hiyang-hiyang reaksiyon ng hunk singer-actor, “Kay Ms. Catriona… Hi! Nahiya ako… Hi!” sabay nagpakawala ng napakatamis na ngiti.

Patuloy pa niya na halatang natorpe matapos sorpresahin ni Cat, “Nahiya ako magbigay ng message…uhm, thank you for your greeting…uhm, yeah… nahiya talaga ako. 

“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. No, I’m so… uhm… so happy that…super happy! Yes, bye!” sey pa ni Sam sabay yuko at humawak sa kanyang ulo at tenga na parang isang bata.

Biro naman sa kanya nina John at Pooh, kahit daw three days silang mag-live sa Facebook basta maiparating lang niya kay Catriona ang kanyang mensahe.

Hirit pa ni John sa kaibigan, “Uy, Samuel, sa panahon ngayon, sa mga na-experience natin sa pandemic, kailangan talaga i-express mo nararamdaman mo.

“Eto na yung time. Ikaw, mahal na mahal kita. Si Pooh, mahal na mahal ko,” aniya pa. Na sinagot naman ni Pooh ng, “Mahal ko rin ‘yan si Sam.”

Sey nama ng Kapamilya hunk, “Basta I’m kilig sa message. Super kilig sa message. Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you.

“Yes, you are very special. Very special,” ang hirit pa niyang mensahe para kay Catriona.

Sumingit agad si Pooh ng, “Sabi ng isang viewer, ‘Sam, huwag torpe! Paano ka magkaka-girlfriend niyan!'”

Sey naman ni John, “For Sam Milby, it works, ha! Yung pagiging torpe niya.”

“I can be torpe minsan,” ang diretsong pag-amin ng aktor.

In fairness, maraming netizens ang nagkomento na bagay na bagay sina Sam at Catriona kaya payo nila sa binata, huwag nang magpakatorpe at huwag nang pakawalan ang beauty queen dahil baka maagaw pa ito ng iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending