outbrain

Rhian hirap na hirap matulog: Pinanonood ko muna ang sunrise bago mag-sleep

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

Rhian hirap na hirap matulog: Pinanonood ko muna ang sunrise bago mag-sleep

By Ervin Santiago May 23,2020
share this

HALOS abutan na ng pagsikat ng araw bago dalawin ng antok si Kapuso actress and “Love Of My Life” star Rhian Ramos mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Kahit naka-adjust na sa tinatawag na “new normal”, aminado si Rhian na nahihirapan talaga siyang makatulog lalo na noong mga unang araw ng lockdown.

“Noong una, hirap na hirap akong matulog. Pa-late nang pa-late hanggang pinapanood ko muna ‘yung sunrise bago ako matulog,” lahad ni Rhian. 

Dagdag pa ng dalaga, noong mga unang araw ng ECQ ay excited pa siya dahil sa wakas ay magkakaroon na siya ng oras para sa sarili gaya ng panonood ng shows, pag-aaral ng bagong skills, at mag-enroll sa mga online masterclass. 

Sa paglipas ng panahon ay naisipan daw ni Rhian na gumawa ng routine at schedule para magkaroon ng structure ang bawat araw na haharapin. 

Aniya, 11 p.m. siya natutulog at gigising ng 8 a.m. saka raw siya gagawa ng mga gawaing bahay gaya ng pagluluto, paglalaba, at pagliligpit. 

Habang tigil muna sa taping ang pinagbibidahang serye na “Love Of My Life”, kasalukuyang napapanood si Rhian sa rerun ng “Stairway To Heaven” sa GMA Afternoon Prime.

                          * * *

Isang exciting na jamming session ang nakahanda para sa mga netizens sa darating na Lunes (May 25). 

Tampok ang GMA Music artists na sina Golden Canedo, Garrett Bolden, Kristoffer Martin at Kyline Alcantara sa online fundraiser na  “Bayanihan Musikahan” na naglalayong magbigay ng tulong para sa mga urban poor families sa Pilipinas na apektado ng pandemic na COVID-19.

 

Narito ang schedule na dapat abangan sa May 25

6 p.m. – Golden Canedo

6:30 p.m. – Kristoffer Martin

7 p.m. – Garrett Bolden

7:30 p.m. – Kyline Alcantara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending