Patas na pagdinig sa ABS-CBN franchise tiniyak
IGINIIT ni House Speaker Alan Peter Cayetano na dapat magkaroon ng patas na pagdinig sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
“One thing I will insists and I’m insisting on is a fair hearing, yan ang minimum ko,” ani Cayetano. “Again, tama na mag-hearing, tama na ang hearing dapat fair, I think mali yung timing but we don’t have a choice because you (ABS-CBN) are off the air.”
Sinabi ni Cayetano na joint hearing ang isasagawa ng House committee on legislative franchise at committee on good government and pubic accountability kung saan ipatatawag ang mga opisyal ng National Telecommunication Commission at Solicitor General Jose Calida.
“If on the air ang ABS CBN wala sana tayong problema pero nung ang NTC nangako na bibigyan ng provisional authority tapos nagbago, nag-isyu ng cease and desist order, nagbago lahat.”
Hindi rin umano tama na sabihin na ang liderato ng Kamara ay pro o anti-ABS-CBN.
“We have our individual stand. Kausap ko si (Franchise committee) Chairman Chikoy (Alvarez), I assured him he has complete autonomy with the vice chairman and sabi niya when he starts sa Tuesday, itutuloy-tuloy na ito and I will be making the session hall available to make sure the witnesses na dapat nandoon ay may social distancing at saka there is enough space for everyone.”
Ang mga kongresista na hindi makakapunta ay maaari umanong sumali sa pamamagitan ng Zoom. Mayroon ding live feed sa social media para mapanood ng publiko.
“So yun ang pakiusap ko sa ating mga kababayan. Tayo lahat ngayon ay parang mga judge. Makinig tayo sa pro at anti and give them a fair chance.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.