PBA susunod sa guidelines ng gobyerno | Bandera

PBA susunod sa guidelines ng gobyerno

Frederick Nasiad - May 22, 2020 - 11:19 AM

Tatalima ang Philippine Basketball Association (PBA) sa anumang patakaran at alituntunin ng gobyerno patungkol sa banta ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na sumasang-ayon din sa plano ng Philippine Sports Institute (PSI) para sa “gradual return” ng 5×5 basketball sa ilalim ng “new normal”.

Sakaling aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang matrix ng PSI na may titulong “Framework Tool for Reintroducing Sport in a COVID-19 Environment,” may posibilidad na magbabalik ang 5×5 basketball kapag natanggal na rin ang anumang uri ng quarantine sa bansa.

Pero gitiit ni Marcial, hinay-hinay lang ang pagbabalik ng PBA, maging sa workout ng mga koponan.

“Unti-unting balik sa normal ang plano ng gobyerno, at yun din naman ang tinitignan ng PBA. First is the set of guidelines for the return to practice. Under the GCQ, allowed na ang gathering ng small group, so baka naman pwede na rin mag-work out ang team ng four or five players per session,” sabi ni Marcial.

Sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) pinapayagan na ang mga sport na may “social distancing” gaya ng golf at tennis pero bawal pa rin ang team sports tulad ng basketball at volleyball.

Gayunman, puwedeng mag-shooting ng basketball na mag-isa sa isang public basketball court o village court sa kundisyon na walang “person to person interaction or sharing of equipment”.

Sa matrix ng PSI, pinahihintulutan ang “ball and skill drills in front of a home” o sa “enclosed public street fronting the household” sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa unang panayam kay Marcial, tinitingnan niya kung maaari nang mag-praktis ang mga koponan sa buwan ng Hulyo o Agosto para makabalik ang liga sa huling linggo ng Agosto o sa unang linggo ng Seytembre.

Pero iyan ay depende pa rin sa estado ng community quarantine base sa IATF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending