Kailangan mo bang kumuha ng travel pass kung papasok ka sa trabaho mo? | Bandera

Kailangan mo bang kumuha ng travel pass kung papasok ka sa trabaho mo?

Leifbilly Begas - May 21, 2020 - 04:25 PM

Lockdown

NAGPALABAS ang Quezon City ng guidelines para sa mga tao na maaari nang magtrabaho sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine.

Sa ilalim ng guidelines ng lungsod, hindi na kailangang kumuha ng travel pass kung ang papasuking trabaho ay nasa Quezon City. Kailangan lamang ipakita ang company ID o ang Barangay Quarantine Pass.

Ang mga delivery courier o cargo services ay hindi rin kailangang kumuha ng travel pass.

Hindi na rin kailangang kumuha ng pass o certificate ng kompanyang magbubukas na basta kabilang ito sa pinapayagang negosyo.

Hindi rin kailangang kumuha ng travel pass ng mga taong may Authorized Person Outside Residence ID.

Ang kailangang kumuha ng travel pass ay ang mga aalis ng QC para pumasok sa trabaho sa ibang lugar.

Maaari umanong mag-apply ng travel pass sa [email protected]. Kasama ang dokumento na magpapatunay nang pangangailangan na lumabas ito ng QC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending