COVID test sa papasok na empleyado hindi mandatory | Bandera

COVID test sa papasok na empleyado hindi mandatory

Leifbilly Begas - May 21, 2020 - 04:18 PM

Hindi umano dapat gawing mandatory ng mga lokal na pamahalaan ang coronavirus disease 2019 testing sa mga empleyado bago payagang pumasok sa trabaho ang mga ito.

Iginiit ni Presidential spokesman Harry Roque na dapat suunod ang mga local government unit sa pamantayang itinakda ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

“Hindi tama na mag-require ang LGUs ng COVID testing. It’s not mandated. If ever, it must be done voluntarily,” ani Roque, spokesman ng IATF.

Mayroon umanong mga LGU na ginawang pre-condition sa pagtatrabaho ang COVID testing.

“Kung employers ang magbabayad, hindi sila pinipigilan. Hindi pwede mag-require ng COVID test para makabalik sa work. Kinakausap na ng DILG ang LGUs, sinasabi sa kanila na hindi kayo dapat mag-require ng ganyan unless voluntary,” saad ni Roque.

Sinabi ni Roque dapat ay payagan din ng mga barangay ang mga negosyo na maaari ng magbukas.

“Ang mga nagta-trabaho sa mga authorized businesses to open under ECQ, GCQ or MECQ man yan –  at yung mga APOR nila, dapat huwag silang bawalan sa barangay. Kung hindi sila magtatrabaho (like yung nasa food business) sino magpapakain sa atin? So dapat payagan sila,” dagdag pa ng kalihim.

Sa ilalim ng IATF Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines na ipinalabas noong Mayo 15, pinayagan na ang karamihan sa manufacturing, distribution at delivery services.

Sa kabila nito, meron umanong mga barangay na hindi pinapayagang makapasok ang empleyado ng mga kompanyang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending