Pautang ng DA nakalahati na pero natulungan kokonti lang
NAKALAHATI na umano ang pondo ng Department of Agriculture para sa pautang sa mga magsasaka at mangingisda subalit kokonti lamang ang natulungan nito.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat nakalahati na ang pondo para sa loan pero 11 porsyento pa lamang ng target beneficiaries ang nabibigyan ng tulong.
Sa ulat na ipinadala sa Kongreso, sinabi ng DA na nakapagbigay na ito ng pautang sa ilalim ng Expanded SURE Aid and Recovery Project sa 4,751 beneficiaries.
Malayo ito sa 40,000 target beneficiaries ng programa.
Ang nakapagtataka, ayon kay Cullamat, ay P432 milyon na sa P1 bilyong pondo ang nagamit na.
“Bakit sobra ang nagamit na pondo kumpara sa napakaliit pang bilang ng naseserbisyuhan? Ano ang mangyayari sa mahigit 80% o 35,000 magsasaka na hindi pa naseserbisyuhan ng programa? Php 90,000 ba talaga ang natanggap ng mga magsasaka? Nananwagan kami ng transparency mula sa DA. Dapat maipaliwanag ito ng DA at masiguradong napupunta sa magsasaka ang buong pondo ng programa,” dagdag pa ng lady solon.
Walang interes ang pautang na hanggang P25,000 at babayaran ito sa loob ng limang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.