Pamimigay ng SAP natapos na ng QC, P25M tulong ibinalik
NATAPOS ng Quezon City government ang pamamahagi ng Social Amelioration Program fund sa 377,584 pamilya.
Ayon kay Michael Alimurung, city administrator, nagkakahalaga ng P3.02 bilyon ang naipamahaging tulong sa lungsod sa ilalim ng SAP.
Ibinalik naman ng mga binigyan ang P23.5 milyong halaga dahil nakatanggap na ang mga ito ng ibang tulong pinansyal mula sa Social Security System (SSS), Department of Labor and Employment (DOLE) o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
“The amount is being redistributed to eligible families in the waitlist,” ani Alimurung.
Ang mga hindi nakatanggap ng SAP mula sa DSWD ay bibigyan ng P4,000 mula sa pondo ng lungsod.
Ang lokal na pamahalaan ay namimigay din ng P2,000 sa vulnerable sectors gaya ng mga vendor, senior citizens, solo parents, persona with disability, public utility vehicle drivers, at lactating mothers sa ilalim ng Kalingang QC program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.