Unconstitutional ba ang hearing sa Senado ng ABS-CBN franchise bill? | Bandera

Unconstitutional ba ang hearing sa Senado ng ABS-CBN franchise bill?

Atty. Rudolf Philip Jurado - May 21, 2020 - 10:17 AM

ITINULOY nitong Martes ng Committee on Public Services ng Senado ang pagdinig sa apat na ABS-CBN franchise bills na nakabinbin dito.

Ang apat na ABS-CBN franchise bills ay naglalayon bigyan ang ABS CBN ng prangkisa upang ito ay makapag-operate ng TV at radio stations, digital television at iba pa, sa loob ng 25 na taon. Noong February 2020, nauna ng nagsagawa ang nasabing komite ng mga pagdinig dito.

Ang pagdinig ng mga ABS-CBN franchise bills ng Senado ay tila hindi naaayon sa Constitution.

Ang ABS-CBN franchise bill ay hindi katulad ng mga pangkaraniwang mga bills o panukalang-batas na pupwedeng magmula o sabay dinggin at gawin sa Kamara (House of Representatives) o sa Senado.

Malinaw sa Article 6, Section 24 ng Constitution, na ang mga panukalang -batas na pansarile (private bill) ay dapat LAMANG MAGMULA sa Kamara (House of Representatives).

Ang ABS-CBN franchise bill ay isang private bill kaya ito ay dapat lamang magmula sa Kamara. Dahil dito, hindi maaring dinggin at talakayin ng Senado sa isang Senate hearing ang mga ABS-CBN franchise bills na nakabinbin dito.

Mauumpisahan lamang ng Senado ang mga anumang pagdinig sa mga ABS-CBN franchise bills na nakabinbin dito kung ang Kamara ay mayroon nang naapruban na ABS-CBN franchise bill sa pangatlong pagbasa (3rd reading) at ito ay pormal nang ibinigay sa Senado. Habang wala pang naaaprubahang ABS-CBN franchise bill ang Kamara at ito ay hindi pa pormal na binibigay sa Senado, hindi nararapat sa parte ng Senado na magkaroon ng mga pagdininig sa mga ABS-CBN franchise bills na nakabinbin dito.

Maaaring matagal nang naging kasanayan sa Senado na magdinig ng mga panukalang-batas na dapat, ayon sa Constitution, ay magmumula lamang sa Kamara, gaya ng appropriation at tax bills. Gaya din sa Kamara na tila nakaugalian na ng mahabang panahon na basahin at aprubahan sa una at pangalawang pagbasa (1st and 2nd readings) sa loob ng isang araw ang isang panukalang-batas. Ang mga kasanayan ito, gaano man katagal , ay hindi kailanman magagawang constitutional ang isang unconstitutional.

Hindi naman lubusan nawalan ng poder o karapatan ang Senado sa usaping ABS-CBN franchise bill. Pinapayagan ang Senado ng Constitution na magpanukala o sumang-ayon sa pamamagitan ng susog (may propose or concur with amendments) sa ABS-CBN franchise bill na inapruban ng Kamara. Kaya pwedeng baguhin ng Senado ang ano mang ABS-CBN franchise bill na inaprubahan ng Kamara sa pamamagitan ng kapangyarihan nito na magpanukala at mag susog dito.

***

Hindi naglabas ng temporary restraing order (TRO) ang Supreme Court upang pansamantala mapigilan ang Cease and Desist Order na pinalabas ng National Telecommuncations Commission ( NTC) laban sa ABS-CBN.

Ang tanging pag-asa na lang ng ABS-CBN na makabalik agad sa ere ay pagkalooban agad ito ng prangkisa ng Kongreso.

Nasa Kongreso,  lalo na sa Kamara.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito, ang buong Kamara at Senado ay hahatulan ng taong bayan at kasaysayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending