Pagbabayad ng buwis sa Taguig City extended
PINALAWIG ng Taguig City government ang pagbabayad ng buwis.
Pinirmahan ni Mayor Lino Cayetano ang Executive Order No. 9 upang mapalawig ang deadline sa pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin sa lokal na pamahalaan hanggang Hunyo 30.
Ang mga makapagbabayad hanggang sa itinakdang deadline ay walang babayarang interes o penalty.
Partikular na tinukoy sa EO ang “all business taxes, real property taxes, transfer taxes, amusement taxes and other taxes, fees, charges and other financial obligations, due and payable to the Taguig City Government during the period of the enhanced community quarantine”.
Nauna rito, itinakda ang deadline ng pagbabayad sa Mayo 20.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.