Benguet binigyan ng PCR machine para sa COVID test
MAKAKAPAG-test na ng coronavirus disease 2019 ang Benguet General Hospital.
Ito ay matapos na mag-donate si ACTS-CIS Rep. Eric Go Yap ng PCR machine sa ospital. Ang machine ay darating ngayong linggo.
Upang mas mapabilis ang proseso, nag-donate din si Yap ng automated extractor machine pas mas marami ang masuring swab sample kada araw.
“Test, test, test. Yan ang sagot at hindi basta quarantine lang ng quarantine. Dagdagan natin ang kakayahan nating makapag-test at pabilisin natin ang paglabas ng resulta. Kaya nung nagtanong tayo kung may paraan para mas madami ang test na magawa, makakatulong daw ang pagkakaroon ng Automated Extractor. It’s a no brainer, alam ko sa sarili ko na kailangan bumili din tayo nito upang mas marami tayong test na magawa. From 100 tests a day dahil manual ang ginagamit, magiging 1,000 ang pwedeng i-test once na may automated machine na. It is a must have,” ani Yap.
Walang pasilidad ang Benguet General Hospital para paglagyan ng PCR machine kaya pumasok ito sa isang Memorandum of Agreement sa Baguio General Hospital upang doon ilagay ang kanilang machine.
Sa rehiyon, ang Baguio General Hospital lamang ang may COVID-19 testing machine.
“This will be a big boost in addressing the backlog of PCR-based tests in Baguio. Sa ngayon, nasa humigit kumulang 1,600 ang backlog ng Baguio General Hospital dahil hindi lang Baguio City ang covered nila, sa kanila din dinadala ang mga samples ng Benguet at iba pang probinsya sa Cordillera at maging sa ibang bahagi ng Northern Luzon. We will not flatten the curve without mass testing and I hope these machines will bring us one step closer to a COVID-free community,” dagdag pa ni Yap, ang caretaker ng Benguet.
“Inspired by my favorite quote; The only thing necessary for evil to prevail is for good men to do nothing, alam natin na hindi pwedeng wala tayong gawin habang patuloy na nagdurusa ang mga kababayan natin sa COVID-19 pandemic. For COVID to prevail, it only takes a good man to do nothing.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.