Paglabas ng COVID-19 test result sa QC pabibilisin
UPANG mapabilis ang paglabas ng resulta ng coronavirus disease 2019 test, nakipagkasundo ang Quezon City government sa Chinese General Hospital at the Philippine Genome Center.
Ito ay dagdag sa naunang partnership ng QC local government sa St. Luke’s Medical Center-Quezon City, Philippine Genome Center, Singapore Diagnostics, at Philippine Red Cross para sa pagproseso ng swab test.
“As we increase our testing capacity, we need more laboratories that will process the specimen and speed up the identification of positive COVID-19 cases in our city,” ani Dr. Rolly Cruz, head ng QC-Epidemiology and Surveillance Unit (ESU) ng City Health Department.
Target ng QC na makapag-test ng 10,000 residente bago matapos ang buwan.
Ang Chinese General Hospital at Medical Center ay magpo-proseso ng 50 test kada araw.
Tinanggap na rin ng Philippine Genome Center ang 2,000 PCR test kits na ibinigay sa QC ng San Miguel Corporation (SMC) at 13,000 rapid testing kits na bigay ng Bloomberg, Ayala Corp. at iba pang donors gaya ng Project Ark.
“The rapid testing serves as guide for city health officials. Anybody can do 10,000 tests, including us, but at the end of the day we still rely on PCR test, which is considered the gold standard worldwide,” ani Cruz.
Tumaas umano ang recovery rate ng lungsod sa 38.81 porsyento dahil mabuilis na nahahanap ang mga nahawa ng COVID-19.
“Nakikita na natin agad iyong mga positive or suspect cases then we isolate and treat them immediately. Once they are doing better, they undergo further testing to make sure that they are COVID free,” ani Cruz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.