NATAGPUANG paulutang-lutang kahapon ang katawan ng barangay chairman na nalunod sa Cagayan River sa Isabela noong kasagsagan ng bagyong Ambo noong Sabado.
Nabingwit ng mga mangingisda ang katawan ni Herman Managuelod, 75, chairman ng Brgy. Rancho Bassit, Angadanan, sa ilog na sakop ng Purok 12, Brgy. Villa Luna.
Ani Capt. Clarence Labasan, Isabela police spokesperson, nalunod si
Managuelod nang mangisda Ito sa ilog habang binabayo ng bagyo ang probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending