NANANATILING suspendido ang pagpapatupad ng Single Use Plastics/Disposable Materials Ban Ordinance ng Quezon City.
Sa inilabas na memorandum ng Environmental Protection and Waste Management Department ng QC government nakasaad na ipagpapatuloy ang hindi pagpapatupad ng plastic ban sa panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine.
Hinikayat naman ng lungsod ang publiko na huwag itapon kundi muling gamitin ang mga plastic bag.
Maaari umano itong hugasan at gawing basurahan para muling mapakinabangan.
Hinikayat din ang mga pamilihan na magbigay o magbenta ng reusable bag.
“For take away food and deliveries, food establishments are encouraged to adopt a By-Request protocol for all single-use plastics/disposable materials )e.g. plastic spoon and fork, knives, plastic/paper cups, plates, plastic/paper straws, coffee stirrers) and condiments sachets (e.g. ketchups/soy sauce packets) before the same are provided.”
“All are encouraged to use their own eating utensils in their homes and offices as they consume their take away food.”
Hinikayat naman ng lungsod ang publiko na magpadala ng suhestyon para mapaganda ang transition plan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.