Hall of Justice ng QC naka-lockdown | Bandera

Hall of Justice ng QC naka-lockdown

Leifbilly Begas - May 18, 2020 - 12:36 PM

Quezon City

ISINAILALIM sa lockdown ang Quezon City Hall of Justice simula ngayong araw kaugnay ng ulat na mayroong empleyado na pumapasok sa naturang gusali ang namatay sanhi ng severe pneumonia at pinaniniwalaang nahawa ng coronavirus disease 2019.

Sa isang pahayag na inilabas ni Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert itinanggi nito na mayroong empleyado ang Regional Trial Court o Metropolitan Trial Court na namatay sanhi ng COVID-19.

Pero mayroon kumalat na balita na mayroon umanong empleyado sa ibang ahensya na nag-oopisina sa Justice Hall ang nasawi at pinaniniwalaang dahil sa COVID-19. Pumunta umano sa Justice Hall ang empleyado bago ito nasawi.

“Considering that the instant matter still needs to be verified and, if true, contact tracing and building disinfection must be first undertaken, upon the authority given by the Hon. Jose Midas P. Marquez, Court Administrator, the Hall of Justice (Main and Annex), Quezon City will be on LOCKDOWN beginning May 18, 2020 until further notice.”

Pinagbabawalan umano ang sinuman na pumasok sa loob ng Hall of Justice.

Ang mga maghahain umano ng civil o criminal case, maghahain ng pleadings at iba pang isusumite sa korte at mag-aapply ng piyansa ay maaari itong gawin sa pamamagitan ng email.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending