Sylvia ingat na ingat kahit COVID-free na: Hindi kami nagkikita lagi ng mga bata
PROUD na proud ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa kanyang mga anak dahil sa katapangan at katatagan ng mga ito ngayong panahon ng pandemya.
Napatunayan ni Sylvia na talagang maaasahan na ang kanyang mga anak, lalo na sina Arjo at Ria Atayde, sa oras ng pangangailangan.
Partikular na tinukoy ng aktres ang pagsubok na pinagdaanan nila ng asawang si Art Atayde nang tamaan sila ng COVID-19.
Sa unang pagkakataon matapos gumaling sa killer virus, humarap si Ibyang sa publiko sa pamamagitan ng bagong online talkshow ni Toni Gonzaga kasama si Luis Manzano, ang “I Feel U” para ibahagi ang kanyang COVID experience.
Sabi ng aktres, talagang sa kanilang mga anak sila humugot ni Art ng lakas at inspirasyon habang nakikipaglaban sa COVID-19. Todo ang pasalamat niya, lalo na kay Ria na nagsilbing nanay sa kanyang mga kapatid noong naka-confine silang mag-asawa sa ospital.
“Every day ang dasal ko lang is Lord kung magka-virus ang isa sa mga anak ko, akin na lang. Ibigay na lang sa akin. And kung halimbawa kung may mamatay man sa amin ng asawa ko, ako na lang. Huwag naman yung dalawa kami,” pahayag ni Ibyang.
Nakasama rin ni Sylvia sa nasabing online interview si Ria na nagsabing parang automatic lahat ng naging desisyon at aksyon nila ni Arjo nu’ng malamang positive sa virus ang mga magulang.
“If you’re in that position din kasi, parang yun na lang ang maiisip niyong gawin. Arjo and I, as soon as we found out, nandito kami sa room ko noon.
“Both of us got out of bed and we were like, ‘Okay, how do we go about this?’ Everything just seemed so natural na yun na ang gagawin namin,” sey ng dalaga.
Dagdag pa niya, “I guess kasi sa situation din na yun, crying or being weak can’t really do much. I strongly believe na you attract what you think of. Rebuke it agad if natatakot ka or whatever para ma-reject yung energy na ganu’n.”
Samantala, kahit na COVID-free na sila ng kanyang asawa, nilinaw ni Sylvia na limited pa rin ang interaction nila sa kanilang mga anak.
“Mas gusto naming magtambay na lang munang mag-asawa dito sa room namin. Kinikita lang namin yung mga anak namin ng lunch and dinner. Hindi talaga kami nagkikita maya’t maya,” ani Ibyang na nagse-celebrate ng kanyang birthday today.
Sa tanong kung ano ang ultimate realization niya sa lahat ng nangyari, “Unang-una, no matter what, pamilya talaga. Sumusunod sa akin sa mga nangyayari ngayon sa mundong ito, kailangan natin mag-intindihan, magtulungan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.