Alessandra kay Angel: Darna is Darna! Next time turn down ko na mag-Valentina!  | Bandera

Alessandra kay Angel: Darna is Darna! Next time turn down ko na mag-Valentina! 

Ervin Santiago - May 18, 2020 - 11:33 AM

PARA sa award-winning actress na si Alessandra de Rossi, si Angel Locsin talaga ang maituturing niyang tunay na superhero.

Ibang klase raw talaga kung paano tumulong at magmalasakit ang Kapamilya actress —all-out at walang pinipili. 

Kahit mga pansarili nitong kaligayahan ay kayang tablahin at kalimutan para lang makatulong at makapagpasaya ng kapwa.

Sa kanyang Twitter account, ibinalita ni Alex na nakausap niya si Angel kamakailan at dito nga niya nalaman kung gaano karami ang naabutan nila ng ayuda ngayong may health crisis sa bansa, bukod pa ito sa pagtulong ng Team Angel sa mga naapektuhan ng bagyong Ambo sa Samar.

Tweet ni Alessandra patungkol kay Angel, “Darna is Darna at kausap ko lang sya kanina, hindi pa rin sya tumitigil sa pagtulong sa kapwa, kung alam nyo lang mga nasakripisyo nyang pansarili to help. Grabe talaga.” 

Nagbiro pa nga ang dalaga na hinding-hindi niya tatanggapin kapag inalok uli siyang maging Valentina (ang babaeng ahas) sa “Darna” movie ni Angel.

Kung matatandaan, gumanap nang Valentina si Alex sa Darna series ni Angel sa GMA noong 2005.

“Next time, turn down ko na yung offer na Valentina. Dapat di ka kinakalaban at all,” sey pa ni Alex.

Kung may isang local celebrity na consistent sa pagiging matulungin at may totoong malasakit sa mahihirap, yan ay walang iba kundi si Angel dahil mula noon hanggang ngayon siya ang laging nauuna sa pagsasagawa ng relief mission kapag may kalamidad at trahedya.

Pero nilinaw naman ni Angel na sa gitna ng ginagawa nilang pagtulong sa mga nangangailangan, walang-wala sa plano niya ang pumasok sa mundo ng politika. 

Ang paniniwala niya, nakakatulong naman siya kahit wala siyang hawak na anumang posisyon sa gobyerno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending