PBA balik-aksyon kapag pinayagan ng pamahalaan | Bandera

PBA balik-aksyon kapag pinayagan ng pamahalaan

- , May 23, 2020 - 09:17 AM

PBA Commissioner Willie Marcial

MAGBABALIK-AKSYON na ang  Philippine Basketball Association (PBA) kapag pinayagan na ito ng pamahalaan sabi ni Commissioner Willie Marcial.

Ayon sa ulat ng PBA.ph, bibigyan ni Marcial ng ‘go signal’ ang liga na magpatuloy hanggat sumusunod ito sa government protocols na inilatag kontra coronavirus (COVID-19) pandemic. Ang basketball ay isang pisikal na laro at dikitan halos ang bantayan ng mga manlalaro sa nasabing sport.

Gumawa ang Philippine Sports Institute (PSI) ng isang matrix na tinatawag nitong “Framework Tool for Reintroducing Sport in a COVID-19 Environment,” at nakasaad dito na ang 5×5 basketball ay papayagan lamang kapag ang lahat ng uri ng quarantine ay inalis na.

Nasa Inter-Agency Task Force (IATF) naman ang desisyon kung gagamitin nito ang rekomendasyon ng PSI.

Wala namang plano si Marcial na agad ibalik ang mga laro at mas pinapaboran niya ang dahan-dahan na pagbabalik ng mga koponan na sisimulan sa pamamagitan ng mga workout.

Ang Metro Manila o National Capital Region (NCR) ay kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) at pinag-iisipan na ni Marcial ang pagsasagawa ng mga maliliit na workout para sa mga koponan nito kapag nailipat na ang rehiyon sa general community quarantine (GCQ). 

“Unti-unting balik sa normal ang plano ng gobyerno, at ‘yun din naman ang tinitingnan ng PBA,” sabi ni Marcial. “First is the set of guidelines for the return to practice. Under the GCQ, allowed ang mass gatherings ng small group, so baka pwede na rin mag-workout and team ng four or five players per session.”

Inirekomenda naman ng PSI na ang basketball sa ilalim ng MECQ ay isasagawa lamang ng isang tao  sa harap ng kanyang tahanan o sa isang saradong kanto sa tapat ng bahay.

Ang solong paggamit ng public basketball o village court na walang kalaro ay pinapayagan sa GCQ.

Ang mga passing drills at no-contact play ay pinapayagan sa modified GCQ subalit ang 5-on-5 play ay papayagan lamang kapag ang lahat ng quarantine protocols ay inalis na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending