Banat ni BB kay Robin: Bakit napakadamot mo, bakit gusto mo akong gumapang?  | Bandera

Banat ni BB kay Robin: Bakit napakadamot mo, bakit gusto mo akong gumapang? 

Ervin Santiago - May 17, 2020 - 09:41 AM

MALALIM talaga ang pinanggagalingan ng hugot ni BB Gandanghari sa kapatid niyang si Robin Padilla.

Halos isang oras naglabas ng sama ng loob ang dating si Rustom Padilla sa kanyang YouTube video laban sa  nakababatang kapatid na si Robin.

Bukod sa pagsagot sa naging pahayag ni Binoe tungkol sa tampo niya sa kanilang pamilya dahil ni hindi man lang siya magawang kumustahin ng mga ito sa Amerika, nadamay na rin sa issue ang ilang taong malalapit sa action star.

Nabanggit din kasi ni BB sa kanyang vlog ang talent manager ni Binoe na si Betchay Vidanes at asawang si Mariel Rodriguez. Lumalabas na may issue rin pala ang proud LGBTQ member sa mga ito.

Ang pinupunto ni BB, wala talaga siyang nakuhang suporta kay Robin noong manirahan na siya sa US, sa katunayan feeling niya, siniraan pa siya ng kapatid nang ibandera nito sa buong Pilipinas na Uber driver lang siya roon.

Panunumbat niya kay Robin, “Grabe ka Robin. Nu’ng panahon na nag-iistruggle ako sa Amerika, ano ang ikinalat mo sa Pilipinas? ‘Nag-u-uber si BB,’ that’s all that I do. 

“You don’t want me to succeed. Why? You want me to struggle, you want me to crawl. Why?” mariing pahayag ni BB.

“I don’t know kung anong nangyari sa ‘yo, kasi hindi ka naman ganyan dati, ibang-iba ka na,” sey pa niya.

Hindi rin daw niya ginagamit si Robin para gumawa ng ingay o pag-usapan siya dahil nagkataon lang na napag-usapan ang pamilya sa isa niyang vlog kaya nabanggit ang kapatid.

Sa isang bahagi ng video, tinawag din niyang maramot ang kapatid, “Kahit konting suporta, Robin. Pag-uusapan natin ‘yung financial kung aabot doon. Kung gusto mo pumunta doon, kung gusto mo sabihin.

“Pero emotional support lang ang pinanggagalingan ko. Kung emotional support ang pinag-uusapan, bakit napakadamot mo?

“Hindi mo ako sinuportahan emotionally dito sa struggle ko dito, sa dreams ko dito,” dugtong niya.

Na-hurt din si BB nang makarating sa kanya ang pahayag ni Binoe sa 50th birthday celebration nito noong August, 2019.

“50th birthday mo, ano sasabihin mo sa harap ng maraming tao, ‘Si BB ah huwag na muna nating pag-usapan.’ Why are you dismissing me? You think what I’m doing here is easy?

“Robin, hindi nasusukat ng pera ang katatagan ng tao. Baka mas marami ka sa akin pera, oo. Pero baka hindi ka tumagal dito sa Amerika ng isang buwan. Kung pupunta ka dito ng walang pera. Hindi ito padamihan ng pera, kaya huwag mo akong iinsultuhin,” ani BB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ako umiiyak, tapos na. I will not cry a tear for this family ever! Remember I’m a Gandanghari. I will not be your doormat anymore,” emosyonal pang sabi ni BB.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending