Jordan memorabilia tumaas ang halaga dahil sa ‘Last Dance’ docu | Bandera

Jordan memorabilia tumaas ang halaga dahil sa ‘Last Dance’ docu

- , May 17, 2020 - 07:01 PM

MICHAEL Jordan

ANG matinding tagumpay sa buong mundo ng documentary na “The Last Dance” ay nagpalakas sa bentahan ng mga collectibles na may kaugnayan kay NBA icon Michael Jordan na ang ilan ay nabebenta ng daan libong dolyares.

“Timing is everything,” sabi ni Jordan Geller, isang collector na tinatayang kikita ng mahigit $240,000 dahil sa bentahan ng Sotheby’s sa isang pares ng Air Jordan 1 sneakers — ang unang modelo na ginawa ng Nike para lang kay Michael Jordan, na unang naglaro sa NBA noong 1984.

Ang nasabing pares ng sapatos na ginamit ni Jordan sa laro ay posibleng magtala ng auction record para sa mga sneakers na naitala noong isang taon ng isang Nike Moon Shoe, na ang pares ay naibenta ng $437,500.

Ang iba’t ibang Air Jordans ay sikat na sa mga shoe collectors sa nakalipas na 30 taon kabilang na ang mga jerseys at trading cards na kinatatampukan ni Jordan — na nagwagi ng anim na NBA titles sa Chicago Bulls at kinikilala bilang greatest player sa kasaysayan ng liga.

Marami ring mga tao ang kinukunsidera si Jordan bilang isang key figure sa pagkakaroon ng market para sa mga collectible sneakers at ang mga non-sports personalities gaya nina Kanye West at Travis Scott ang tanging kakumpetensya niya sa kasalukuyan.

Ang 10-part ESPN documentary na “The Last Dance” ay tumatalakay sa buong basketball career ni Jordan partikular ang paghahabol ng Bulls sa ikaanim na NBA title na siyang nagpalakas ng interes sa mga bagay na may kaugnayan kay Jordan.

“I think this is a game-changer,” sabi ni Chris Ivy, director ng sports collectibles sa Heritage Auctions, pa tungkol sa documentary series na ipinapalabas sa buong mundo ng Netflix.

Sinabi pa ni Ivy na magpapatuloy ang interes na sinimulan ng “The Last Dance”.

Base sa StockX shoe resale platform, ang Air Jordan 1 Chicago model ay naibebenta sa ngayon ng $1,500 kumpara sa $900 noong Marso.

Ang unang episode ng “The Last Dance” ay ipinalabas noong Abril 19 (US time).

“That could be largely attributable to the documentary because that’s a sneaker that’s been on the market for years,” sabi ni StockX economist Jesse Einhorn.

Kamakailan lang ay naibenta ang isang 1986 Fleer collector’s card sa halagang $96,000 sa Heritage, ang nasabing item ay nagkakahalaga ng $20,000 hanggang $30,000 sa simula ng taon.

“A lot of people who had a sports cards collections as a kid have been frantically going through their attics to find those boxes and those binders,” sabi ni Geoff Wilson, ang founder ng Sports Card Investor platform.

“I haven’t seen anything like this, where it’s well past his career,” sabi pa ni Ivy patungkol kay Jordan na huling nagretiro noong 2003.

At ang pananabik na ito ay higit pa kay Jordan.

Ang benta ng mga Bulls-branded items ay umaabot ng 400% nitong Mayo kumpara noong isang taon sa sports merchandise site na Fanatics.

“For a lot of people my age between 40 and 50 years old, Michael Jordan was the Babe Ruth of our generation,” sabi ni Ivy. “People in that age range are starting to get in a point in their lives where they’re starting to collect again.”

At maging ang mga mas batang fans, na inabutan ang husay sa paglalaro nina Kobe Bryant at LeBron James, ay nahumaling na rin kay Jordan.

“The majority of our customers are millennials and Gen Z, many of whom were not necessarily alive when Jordan played,” sabi ni Einhorn. “It’s a testament to Jordan’s staying power as an iconic, almost like mythical, cultural figure.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending