Bwelta ni BB kay Robin: Kung gagawin mo akong doormat, thank you na lang! | Bandera

Bwelta ni BB kay Robin: Kung gagawin mo akong doormat, thank you na lang!

Ervin Santiago - May 15, 2020 - 09:08 PM

SA halip na magkaayos at magkabati ang magkapatid na BB Gandanghari at Robin Padilla, mukhang mas lumala pa ngayon ang issue sa pagitan nila.

Inakusahan ni BB si Binoe na nagpapapogi at nagpapabango sa madlang pipol gamit ang pangalan niya. Ito’y matapos magsalita ang aktor tungkol sa tampo ng kapatid sa kanya at sa kanilang pamilya.

Kamakailan, sa isang panayam, sinagot ni Robin ang mga hinaing ni BB laban sa kanilang pamilya, partikular na ang matindi nitong sama ng loob dahil hindi man lang daw siya kumustahin ng mga ito lalo na nang may lumabas na fake news na patay na siya.

“BB, tigilan mo na iyang katatampo. Mahal ka namin. Marami lang nangyari sa pamilya natin nang pumasok ang 2020,” ani Binoe kung saan inisa-isa pa niya ang mga nangyaring hindi maganda sa kanilang pamilya.

Ngunit hindi nga tinanggap ni BB ang paliwanag ng kapatid. Sa kanyang Instagram live session, nagsalita uli ang dating aktor tungkol sa issue.

Aniya, “Tigilan natin ang public imaging. Tigilan natin ang pagpapaguwapo o pagpapabango at my expense. Love is the most abused word, and I think I can debate with anyone in this world.

“So, kung love ang pag-uusapan at ganyang klaseng pagmamahal ang sinasabi niyo sa akin at ipinaparamdam niyo sa akin, then maybe this needs a conversation,” simulang pahayag ni BB.

Naging sunud-sunuran daw kasi siya sa mga kagustuhan ng pamilya kahit labag sa kanyang kalooban, “Yun ang tinatrabaho ko, kaya ako umalis ng Pilipinas, yung emotional quotient ko.

“Kasi, obviously, sa mga bibig mo na rin nanggaling Robin Padilla, aking nakababatang kapatid, baka nakakalimutan mo.

“E, ‘yan ang klase ng pagmamahal na sinabi ko sa sarili ko, na I think we deserve more. Ito rin yung pinanggagalingan ng sinabi ko na, kung sa pag-ibig gagawin mo akong doormat, thank you na lang. You can have it, but I think I‘ll have a better love,” paliwanag niya.

Hindi pa rin daw sila nagkakausap nang maayos ni Robin. Nakatanggap lang daw siya ng direct message sa Instagram mula sa aktor matapos niyang ibandera ang sama ng loob sa pamamagitan ng IG.

“Unang-una, ang pinanggalingan lamang nito, emotional support. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang malaking brouhaha na after I’ve said my piece, no phone call, really?

“And now, sasabihin mo sa buong mundo na mahal mo ako? Tigilan ko ang pagtatampo? Hindi na ako nagtatampo, I’m over it.

“Ang pina-process ko ngayon kung ano yung ipinaramdam n’yo sa akin. Yun ang pina-process ko ngayon. But I know, in God’s grace, I will get over it.

“Pero hindi na ako nagtatampo. Why?! Di ba, sinabi ko, I will not cry over spilt milk. I’ve moved on pagkatapos kong magsalita. Naghintay ako ng tawag,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa ni BB, “Ito ang mga reasons kaya hindi nagkakaintindihan ang pamilya kasi hindi nag-uusap. Nag-uusap sa harap ng maraming tao.

“You want to know the truth, I will tell you the truth…sasabihin mo sa tao, tumahimik na ako, tigilan ko na? How arrogant! Who told you?

“Sino ang nagbigay sa ‘yo para sabihin mo sa isang tao na tigilan mo na iyang nararamdaman mo? Who are you to diminish my emotions and feelings?

“Gusto mo, isa-isahin ko sa ‘yo? Hindi ako nagtatampo kasi hindi niyo ako kinakamusta? Hindi!!! Let’s make that clear. The point was, after ko umiyak, sinabi ko naka-move on na ako, kasi nahimasmasan na ako.

“It was just really panic. I was in panic. May nakaintindi ba? Wala! May tumawag ba just to give a small assurance? Wala!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If you are me, nag-iisa ka, nalulumbay ka, naghahanap ka ng tawag sa pamilya mo,” dagdag pa ni BB.

Sinabi pa ni BB na hindi siya sinuportahan ni Robin noong magsimula uli siya sa Amerika, “Grabe ka Robin…you don’t want me to succeed? Why? You want me to struggle, why?” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending